Driver nabgsakan ng dump box sa ulo, dedo

August 15, 2021 Gil Aman 164 views

PATAY ang 54-anyos na driver nang aksidenteng mabagsakan ng dump box ang ulo Sabado ng umaga sa isang landfill sa Bgy. Alipit, Sta Cruz,Laguna.

Base sa ulat ni Sta. Cruz Chief of Police PLt. Col. Chitadel Gaoiran, nakilala ang biktimang si Vernon Atienza Maala, dump truck driver, may asawa, residente ng Sitio Batisan, Bgy. Gatid ng bayang ito.

Ayon sa pulisya, bandang 11:30 a.m. ng hindi inaasahang maganap ang insidente habang aktong kinukumpuni umano ng biktima ang minamaneho nitong dump truck sa Sta. Cruz Landfill.

Ayon sa isa nitong kasamahan na backhoe operator na si Andolf Kamatoy San Esteban, 32 anyos, aktong hinihintay nito at ng isa pa nilang kasamahan na si Patrick Gupo ang biktima para kumain ng pananghalian ng hindi umano inaasahang maaktuhan ng mga ito ang naganap na insidente.

Naipit ng dump box ang ulo at leeg ng biktima makaraang bumigay umano ang linya ng hydraulic host.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ang subalit nalagutan rin ito ng hininga bunsod ng matinding sugat na tinamo nito sa ulo.

AUTHOR PROFILE