Crime

Driver kumapit sa bag, binaril ng snatcher, dedo

June 2, 2023 People's Tonight 248 views

TANZA, Cavite – Duguang bumulagta ang biktima na naitakbo pa sa MV Santiago Hospital, subalit hindi na naisalba pa ang 32-anyos na mister makaraang manlaban sa nang-agaw ng bag nito Huwebes ng gabi dito sa may Bgy. Bagtas.

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng suspek ang biktimang nakilalang si Erwin Lomoloy, part-time driver at residente ng Block 33, Lot 12, Sec. 20, Phase 2 Carissa, Bgy. Bagtas sa Tanza, Cavite.

Sa imbestigasyon nina Police Master Sergeant Israel Villela at Police Corporal

Nikko Paul Barranco, may hawak ng kaso, alas 8:30 ng gabi nang maganap ang insidente.

Ang biktima ay sakay ng kaniyang puting Honda Genio at binabagtas ang Bgy. Bagtas nang dikitan ito ng suspek na sakay din ng itim na motor na nakilalang si Jeffrey Mojica Gerpacio, 30 anyos, residente ng Block 3, Lot 20, Sec. 20, Phase 2 Pabahay 2000, Bgy. Bagtas sa Tanza.

Pilit nitong inaagaw ang bag ng biktima subalit nanlaban ito hanggang sa pagbabarilin ng suspek.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up ang pulisya para sa ikadarakip ng suspek.

AUTHOR PROFILE