Khai

Dragon Boys, ipinakilala

January 25, 2022 Ian F. Fariñas 381 views

LeoneEstevenRJMATAPOS ipakilala ang all-girl group na Gandaras, pormal nang kinontrata ng Dragon Artist Management nina Bambbi Fuentes at Tine Areola ang Dragon Boys na kinabibilangan nina Khai Flores, Leone Adriano, Esteven Dayrit at RJ Ariar.

Sa apat na baguhan, pinaka-’beteranong’ maituturing si Khai dahil isang taon na siyang nasa showbiz.

Lumabas na siya sa top-rating serye na Kadenang Ginto at nakagawa na ng tatlong movies, kabilang ang advocacy short film na Sugat sa Dugo, kung saan nagwagi si Janice de Belen ng best actress award mula sa International Film Festival Manhattan Autumn 2021.

Ang dalawa pang pelikula ni Khai na ipalalabas pa lang ay ang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ni Direk Chito Roño at Ang Huling Hibla, kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang bingi.

Apo naman ng aktres na si Rosanna Roces ang 14-year-old na si Leone.

Gaya ni Khai, nakagawa na siya ng pelikula, ang Tuloy Bukas ang Pinto at wish niya na tumagal sa industriya tulad ng kanyang lola.

Si Esteven naman, beterano na ng iba’t ibang acting workshops at may parte rin sa Sugat Sa Dugo na dinirek ni Danni Ugali.

Last but not the least, si Rj ay isang certified health buff na tubong-Cavite.

Siya ang pinakabago sa apat although tinanghal siyang Mr. Youth Philippines Prince nu’ng nakaraang taon.

Hilig talaga ni Rj ang umarte kaya naman wish niya na maka-appear na rin sa movies soon.

AUTHOR PROFILE