
Dragon balls
MALA-DRAGON ang uri ng “balls” na ibinandera ng Vivamax bombshell na si Audrey Avila sa social media.
Para ngang nag-“super saiyan” sa tuwa ang mga barako ng mapa-tigil sila sa pag-scroll dahil sa larawang ibinahagi ni Audrey sa kanyang Instagram page.
Eh kasi naman, si Audrey, malinamnam ang patakam habang suot ang kanyang two-piece bikini.
Bidang-bida nga ang naglalakihang dyoga ng hot actress sa post, ang mga nakatagong “dragon” tuloy ng mga kelot niyang tagahanga biglang nagalit sa tuwa.
Kahit na sinong nasa opposite sex na kanyang tagasubaybay ay titirik ang mga mata sa perpektong kurba ng katawan ni Audrey at makinis na balat nito.
Palaban din ang beauty ng face ni Audrey. Fierce kung fierce ang sexy star.
Nakadagdag pa nga sa hotness niya ang pagkakaroon ng mga tattoo. Mukhang markado na sa isipan ng mga kalahi ni Adan ang sex appeal ni Adurey sa tuwing siyang pagpapantasyahan nila.
Halata ngang naglaway ang ilang tagasubaybay ni Audrey kaya tumulo ng fire at heart emojis ang kanyang comment section.
Hirit pa ng isang Ig user, “ganda at sexy talaga ng pantasya ko.”
Minsan nang naipamalas ni Audrey ang kanyang bagsik sa pag-arte nang lumabas siya sa Kapamilya drama series na “Linlang.” Bukod pa rito napanood na rin ng publiko ang sexy star sa ilang palabas kabilang na ang Dayo (2024), Eks (2024), Takas (2024), Balik Taya (2023), at Domme (2023).