Rizal Pinangunahan nina Dist. Gov. Johnny Domino, Lt. Governor Francis Villegas, at Past Philippine Luzon District Governor Mario Marasigan ang pagpapalipad ng kalapati at pag-aalay ng bulalak sa bantayog ni Dr. Jose P. Rizal bilang simbolo sa seremonya ng pagdiriwang ng Kiwanis Week sa buong mundo. Kuha ni Jon-jon Reyes

Dr. Jose P. Rizal, binigyang-pugay sa selebrasyon ng Kiwanis Week

January 17, 2023 Jonjon Reyes 583 views

NAGSAGAWA ang Kiwanis International Philippine Luzon District ng isang royal wreath laying sa bantayog at nagsilbi ring himlayan ng pambasang bayani na si Dr. Jose P. Rizal kamakailan sa Rizal Park, Luneta Lungsod ng Maynila.

Bilang pagpupugay sa kanyang kabayanihan, buong karangalan kasama sa pag-aalay ng bulaklak ang mga kagawad ng Philippine Marines Honor Guard Battalion, bilang pagsisimula sa taunang Kiwanis Week Celebration kasabay ng ika-108th Kiwanis Anniversary.

Dinaluhan ang nasabing event ng iba’t-ibang division na mga miyembro at lider mula sa Lungsod ng Maynila hanggang Nueva Ecija, Cavite, Laguna, at Quezon Province.

Kabilang naman sa mga dumalong opisyal ng nasabing grupo ay sina District Gov. Johnny Domino at Past District Gov. Mario Marasigan.

Samantala ang iba naman ay tumutok sa online activities kasama ang Philippine Luzon District na binubuo na ngayon ng 305 na mga club na may bilang na mahigit sa 6,000 miyembro.

Pinangunahan naman nina Committee of Division 3A Lt. Governor Francis Villegas at Amphy Lim ang paghahanda para sa seremonya at programa sa Luneta Park at binubuo nitong 13 club officers at miyembro na sina Atty. Cleopatra Jorquia, Francesca Camina, Ezelle Gascon, Daisy Anzures, Elton Tan, Tan Yu, Virginia Paloma, at Miriam Cruz.

Nagsagawa din ng pagpaparangal sa mga kagawad ng Philippine Marines at mga natatanging mga miyembro ng Kiwanis at pagpapalipad ng mga kalapati matapos ang pagsagawa ng nasabing pag-aalay ng bulaklak para kay Gat. Jose P. Rizal.

Pinarangalan naman ni Domino sa kanyang talumpati ang kabayanihan ng mga miyembro ng Kiwanis bilang mga boluntaryong nakatuon sa loob ng ilang dekada na tumutulong sa mga pamayanan at mga kabataan sa buong mundo.

Ang Kiwanis wreath-laying ceremony ay isang taunang kaganapan na inorganisa ni PLG Francis Villegas at ng Kiwanis Club of Manila, ang unang Kiwanis Club sa Southeast Asia kung kaya’t malugod na pagbati ang ipinaabot sa mga Kiwanians.

AUTHOR PROFILE