Rizal

DPWH, Rizal PNP nagpulong sa pagsasaayos ng kampo

December 16, 2024 Jojo C. Magsombol 204 views

NAGPULONG ang mga engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga opisyal ng Rizal Police Provincial Office para talakayin ang pagpapatayo ng mga pasilidad at pagsasaayos ng kampo.

Naganap ang pulong noong December 16 at dumalo si Police Colonel Felipe Maraggun, Rizal police director.

Nagpasalamat si Maraggun sa suporta ng DPWH para sa Rizal PPO.

Magreresulta sa maayos at epektibong serbisyo para sa mamamayan ang proyekto, ayon sa hepe ng pulis.

AUTHOR PROFILE