
DPWH employee nasilo sa sex assault
INARESTO ng mga pulis ang isang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa kasong sexual assault noong Lunes sa Valenzuela City.
Natiklo si alyas Albie, 42, makaraang matunton ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban sa kanyang tirahan sa Cayetano St. Brgy. Karuhatan alas-8:30 ng gabi.
Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Mateo Tarejos ng Branch 172.
May inilaang piyansa na P200,000 ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado na nakakulong sa custodial facility ng Valenzuela police.
Sa ilalim ng Article 266-A paragraph 2 ng Revised Penal Code, ipinaliliwanag na ang sexual assault ang paggamit ng akusado ng isang instrumento o bagay sa maselang bahagi ng katawan ng biktima nang wala siyang pahintulot.