DOT natuwa sa Lonely Planet sa pagkilala sa Siargao
NATUTUWA ang Department of Tourism (DOT) sa pamumuno ni Secretary Christina Garcia Frasco sa pagkilala ng Lonely Planet sa Siargao bilang lugar na pwedeng bisitahin sa Pilipinas.
Sumasalamin, ayon sa DOT, ang pagkilala sa kagandahan ng Siargao dahil sa mga surfing spots doon, malinis na beach at simpleng buhay ng mga residente.
Ayon sa DOT, isang tagumpay para sa isla at mga mamamayan ang pagkilala ng Lonely Planet.
Binibigyang-diin nito ang lumalagong pagpapahalaga sa buong mundo para sa magkakaiba at nakamamanghang tanawin ng Pilipinas, ang yaman ng ating kultura at ang init at pagmamahal ng ating mga tao, dagdag pa ng DOT.
Nagpaabot ang DOT ng taos-pusong pasasalamat sa Lonely Planet para sa karangalang ito.
“Isa ka mang batikang manlalakbay o nagpaplano ng iyong susunod na magandang pagtakas, iniimbitahan ka namin sa Siargao, isang isla kung saan ang bawat alon, bawat paglubog ng araw at bawat ngiti nag-iiwan ng hindi maalis na marka sa iyong puso,” sabi ng DOT.