DOT Makikita si DOT Chief Of staff at Undersecretary Shalimar Hofer Tamano, kinatawan ni Secretary Christina Garcia Frasco, sa pagbubukas ng 3rd North Luzon Travel Expo 2024 (NLTEX) sa Wavespoint, Brgy. Panictican, San Juan, La Union.

DOT binuksan 3rd NLTEX sa La Union

November 24, 2024 Jonjon Reyes 96 views

SAN JUAN, La Union–Binuksan ng Department of Tourism (DOT) ang 3rd North Luzon Travel Expo 2024 (NLTEX) sa Wavespoint, Brgy. Panictican, San Juan, La Union.

Nagsimula ang event sa isang ribbon-cutting ceremony na pinangunahan ni DOT Chief of Staff at Undersecretary Shahlimar Hofer Tamano na kumakatawan kay Secretary Christina Garcia Frasco.

“Ang mga inisyatiba tulad ng tree planting at pawikan conservation activities nagpapaalala sa atin na ang turismo hindi lamang tungkol sa pagtataguyod ng mga destinasyon, kundi pati na rin sa pagprotekta sa mga likas at kultural na kayamanan na nakapangyayari sa mga lugar na ito,” sabi ni Undersecretary Tamano.

Ang NLTEX nagtatampok ng malawak na hanay ng mga aktibidad, kabilang ang mga business-to-business meeting, biodiversity talks, arts and crafts demonstrations at ang pinakaaabangang Pawikan Beach Run na nagha-highlight sa kahalagahan ng pag-iingat ng pawikan.

Kasama sa pagbubukas ng kasiyahan ang isang seremonyal na aktibidad sa pagtatanim ng puno, mga pagtatanghal sa kultura, at isang pagpapakita ng mga makabagong handog sa turismo mula sa North Luzon at iba pang mga kalahok na rehiyon.

Batay sa tagumpay ng 2023 Baguio City event at ang kauna-unahang NLTEX sa Clark, Pampanga ang event.

Ang edisyon ngayong taon sa La Union may 15,000 attendees na naglalayong iposisyon ang Hilagang Luzon bilang pangunahing destinasyon sa paglalakbay habang isinusulong ang napapanatiling turismo at konserbasyon ng biodiversity.

Kabilang sa mga dumalo sa event sina DOT Undersecretary Maria Rica Bueno, Undersecretary Myra Paz Valderrosa-Abubakar at OIC-Assistant Secretary Warner Andrada.

AUTHOR PROFILE