Donny at Belle surprise hit, magkakaroon ng concert

July 23, 2021 Aster Amoyo 251 views

SA kabila ng kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN isang taon na ang nakakaraan, patuloy ang Kapamilya network sa paghatid ng mga balita, entertainment at public service gamit ang iba’t ibang platform.

Ang talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic at iba nilang allied talent agencies ay patuloy din sa pagtuklas ng mga bagong talents for build-up na magiging future stars balang araw.

Take the case of the new young loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Francisco ng “He’s Into Her” week-end TV series . Ang tambalan nina Donny at Belle ay latest hot loveteam ng ABS-CBN matapos pagtambalin ang dalawa sa nakakakilig na week-end TV series, ang “He’s Into Her” kung saan din tampok ang iba pang young talents ng Kapamilya network tulad nina Vivoree Esclito, Joao Constancia, Criza Taa, Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Jeremiah Lisbo at iba pa.

Dahil sa tagumpay ng team-up at ng TV series na “He’s Into Her,” nag-desisyon ang ABS-CBN na bigyan ng first virtual concert ang bumubuo ng programa na pinangungunahan ng Donbelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Ang nasabing virtual concert ay matutunghayan sa darating na August 6 (Friday) at 8:30 p.m. (Asia/Manila Time) sa pamamagitan ng ktx.ph at iba pang platform ng ABS-CBN.

E-tickets are priced at P99 for general admission (inclusive ang concert at fancon) habang P299 para sa Limited VIP tickets kung saan kasama ang concert, fancon, after party at virtual audience.

Dahil sa tagumpay ng tambalan nina Donny at Belle at sa kanilang first TV series na “He’s Into Her,” tiyak na bibigyan na ang dalawa ng panibago nilang TV project (a new TV series) and hopefully, their first digital movie.

Si Donny ay anak ng mag-asawang Maricel Laxa at Anthony Pangilinan. He was first teamed-up wih former -PBB teen housemate na si Kisses Delavin who moved to Triple A Talent Management and GMA pero ngayon ay isa sa mga kandidata sa 2021 Miss Universe Philippines.

Si Donny ay nagmula sa showbiz royalty ng mga Laxa at Pangilinan. Bukod kay Tony Ferrer, grandfather din niya ang yumaong film producer ng Tagalog Ilang-Ilang Productions na si Atty. Espiridion Laxa. Tiyahin din niya ang dating actress at beauty queen na si Mutya Crisostomo Laxa na half-sibling ng kanyang inang si Maricel Laxa.

Mr. M umaarangkada ba

BILANG consultant ng GMA Artists Center ng Kapuso network, tiyak na maraming changes ang inaasahang mangyayari ngayong nagsimula na Mr. M or Johnny Manahan sa kanyang trabaho. His over three decades of service sa ABS-CBN laluna sa Star Magic, ang talent management arm ng kumpanya which he co-founded with former ABS-CBN president na si Freddie Garcia at kanyang pinatakbo from its inception hanggang sa kanyang pagre-retiro sa kumpanya ay sobra-sobrang experience na kanyang maibabahagi sa mga talent ng GMA. Pero klinaro ni Mr. M na wala umano siyang kinalaman sa desisyon ng isa sa mga prized talents ng ABS-CBN na si Bea Alonzo na lumipat ng GMA.

 

Bago pa man kinukuhang consultant ng GMA Artist Center si Mr. M. ay umalis na si Bea sa pamamahala ng ABS-CBN at kinuha niyang business manager ang talent manager na si Shirley Kuan kaya malamang network contract ang nilagdaan ni Bea sa GMA. Puede rin siyang co-management with GMA Artists Center.

As consultant, kasama na si Mr. M sa screening committee ng GMA sa pagtuklas at pagtanggap ng mga bagong talents gayundin sa management and development ng mga ito and to mold them to become stars someday.

Enchong at Joshua pinaghahandaan na ang kanilang future

ANG Kapamilya actor at entrepreneur na si Enchong Dee (32) at ang ex-PBB housemate-turned actor na si Joshua Garcia ay magkaibigan at business partners na ngayon matapos nilang itayo ang music school na Academy of Rock Philippines na patterned sa Academy of Rock in Singapore.

Dahil sa pandemya, nabalam ang pagbubukas at paglu-launch ng kanilang music school na kamakailan lamang pinasinayanan

Si Enchong ay isa nang successful entrepreneur habang si Joshua ay ngayon pa lamang nagsisimula sa tulong na rin ng kanyang kaibigan na si Enchong who is older sa kanya ng sampung taon at mas senior sa kanya sa showbiz at sa larangan ng pagne-negosyo.

At 23, gusto rin ni Joshua na paghandaan ang kanyang future and of his family at dito rin siya hinangaan ng kanyang kaibigan na si Enchong.

Ang Academy of Rock Philippines na matataguan in Quezon City ay magbibigay ng one-on-one lessons sa mga estudyante na gustong matuto sa iba’t ibang klase ng musika at pati na ang pagtugtog sa iba’t ibang instrumento.

Marami naman ang natuwa sa business partnership nina Enchong at Joshua hindi lamang sa loob ng industriya kundi maging sa labas nito dahil hindi lang naman mga taga showbiz ang puwedeng mag-aral ng musika sa Academy of Rock kundi maging mula sa iba’t ibang sector.

Si Enchong ay napapanood gabi-gabi sa primetime hit TV series na “Huwag Kang Mangamba” habang si Joshua ay malapit nang mapanood sa inaabangang “Viral” TV series with Charlie Dizon.

2021 Miss World Philippines mapapanood sa Linggo

ANG 2021 Miss World Philippines grand coronation night ay mapapanood on free TV sa GMA sa darating na Linggo, July 25 at 10:30 p.m. Ito’y mapapanood din nang mas maaga at 6 p.m. sa KTX.ph, iWant TFC and TFC IPTV.

 

Ang 45 candidates ng 2021 Miss World Philippines grand coronation night ay gaganapin sa Okada Manila to be hosted by Xian Lim kasama sina RJ Ledesma, Winwyn Marquez at Thia Thomalia. Ang mga guest performers ay sina Geneva Cruz at RJ Agustin.

Out of 45 candidates, pito rito ang kokoronahan para sa iba’t ibang title tulad ng Miss World Philippines, Miss Eco International Philippines, Miss Tourism Philipines, Reina Hispanoamericana Filipinas, Miss Enrvironment International Philippines, Miss Eco Teen International Philippines, Miss Multinational Philippines at Miss Supranational Philippines.

Ang ALV Talent Circuit head, talent manager and businessman na si Arnold Vegafria ang tumatayong country head ng Miss World Philippines.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo

AUTHOR PROFILE