Donnalyn Bartolome

Donnalyn bumuwelta sa hater: I hope you heal from whatever you’re going through

June 19, 2024 Vinia Vivar 123 views

Sinagot ni Donnalyn Bartolome ang komento ng isang netizen na basurang content creator lang siya at nagpapaawa sa pagiging ampon.

Matatandaan kasing isiniwalat ng vlogger/singer sa kanyang latest vlog na isa siyang ampon and as usual, may mga positive and negative comment ang netizens.

Masipag naman sa pagsagot ang rumored girlfriend ni JM de Guzman. Sinasagot niya ang ilan sa mga ito, be it positive or negative.

Isang netizen ang walang pakundangan na nilait ang singer/vlogger at sinagot naman niya ito nang maayos.

“Adopted daughter kalang ng stepdad mo. Dahil kasama mo pa rin totoong nanay mo. Hindi ka naman kaawa awang ampon na walang magulang at hindi mahanap. Nag ingay ka na naman ng walang katuturan. Pareho lang kayo nina rosemar at rendon mga basurang content creators,” saad ng basher.

Ipinaliwanag ni Donnalyn na hindi siya kawawang ampon dahil sobrang thankful pa nga niya sa kanyang stepfather.

“Hey, l’m sorry po if you misunderstood.. if hindi niyo po napanood… hindi po ako nagpaawa, I actually did the opposite. Pinagmalaki ko po yung kabutihan ng adoptive parent ko,’ aniya.

“Hindi ko po alam bakit ako nacocompare sa ‘kaawa awang ampon’ when I actually told people na napakalaking blessing ng pagiging ampon ‘a far greater love than I was meant to have’ and proceeded to say na hindi ko na kailangang hanapin pa ang pagmamahal ng magulang na hindi yun kusang binigay sa akin,” patuloy niya.

Tungkol naman pagtawag sa kanya ng basher na “basurang content creator” along with Rosmar and Rendon Labador, idinaan na lang sa awit ni Donna ang pagsagot.

“So sorry if you found other content creators’ content walang katuturan… pero kakantahan nalang kita.. ‘Di Lahat… Di lahat ng.. maganda’y sasaktan ka lang.’ So jokes aside, I hope you heal from whatever you’re going through resulting you to project and say something unkind to another human being,” aniya.

“Pero lahat tayo nagkakamali kaya naiintindihan kita. Don’t worry din po never ill-intentioned ang mga nagawa kong mali sa buhay ko. At lagi kong sinusubukan mag-improve at baguhin ano mang dapat baguhin. I genuinely wish you can consider doing the same and sana maging okay ka po whatever it is you’re going through,” mensahe pa ni Donnalyn sa kanyang hater.

AUTHOR PROFILE