Dongyan

DongYan, nakibahagi sa #ImmunityForAllKids ng Ceelin at Caritas

October 3, 2022 Ian F. Fariñas 124 views

Ang pagbibigay prayoridad sa kalusugan ay itinuturing ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes bilang isa sa kanilang pinakamahalagang tungkulin sa kanilang tahanan, lalo na nang mabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Zia at Sixto.

Ito ay nagpapakita na talagang sineseryoso ng Kapuso Primetime King at Queen ang ginagampanang papel sa tunay na buhay bilang mabuting magulang.

“Ang pagiging magulang ay hindi biro, ang dami naming natutunan. I think during this pandemic, bottom line is kalusugan ang pinaka-kailangan natin. We want to do so many things. Our kids want to do so many things. But the fact is that marami pang darating na mga hadlang like viruses and the only way to fight them is to have a strong immunity,” ani Dingdong.

“Marian especially needs a strong mindset because she’s a very hands-on mom. Tandem kami. S’ya maghahanda, ako maghahatid at ako magsusundo. Mahalaga na du’n pa lang sa prep stuff, kumbaga, napapatibay at napapalakas na namin sila so that when they go to school, especially now it’s face-to-face, there’s a certain level of protection when they want to get into sports para alam natin na kayang-kaya ng katawan nila,” sabi ni Dingdong, ang host ng Family Feud Philippines na may pinakamataas na ratings sa mga game show sa bansa.

Para palakasin ang immunity at panatilihing masigla sina Zia at Sixto, naging bahagi na ng kanilang buhay ang Ceelin Plus, isa sa mga produkto ng Unilab, ang nangungunang pharmaceutical at healthcare company sa Pilipinas.

Mayroon itong Ascorbic Acid + Zinc na nagbibigay ng dobleng proteksyon kasama ang matatag na ZincPlus® Technology na nakakatulong na magbigay ng fully loaded immunity, kasabay ng tamang pagkain at healthy lifestyle.

Nakakatuwa rin na gaya ng ibang happily married couples, madaling nasusundan at nasusuportahan ni Marian ang mga pahayag ng kanyang asawa: “Nag-eendorso kami ng isang produkto palagi na kailangan ginagamit ko at sure ball ako na gagamitin ko siya. Ayoko siya i-endorse just for the sake of the money or because of may endorsement ako, no. Bakit namin kinuha ang Ceelin at patuloy na nakikipag-partner dito? Kasi sa bahay, ang mga bata Ceelin talaga iniinom nila since Day 1. It’s very easy for us na i-feed sa kanila ang Ceelin kasi kilala na nila, alam na nila at kabisado na nila at iniinom talaga nila. ‘Yun ‘yung mahalaga sa akin.”

Sinabi rin ni Marian na, “Nakikita namin ang benepisyo ng Ceelin, especially now nag-fi-face-to-face classes na ‘yung mga anak namin. Sorry for the term talaga, for being a mom is being paranoid and OA talaga. Hangga’t kaya mong ibigay at siguraduhin na secure ang kalusugan nila, lahat ng pwede mong ibigay, ibibigay mo talaga. So nand’yan ang Ceelin Plus para sa amin.”

Katatapos lang ng trabaho ng mag-asawa sa kanilang GMA sitcom, ang Jose & Maria’s Bonggang Villa. Noong Mayo, inilabas din nila ang kanilang dokumentaryo, MISS U: A Journey to The Promised Land.

Idinirek ni Dingdong si Marian habang siya ay nasa Israel bilang judge sa ika-70th Miss Universe at kung saan nakausap niya ang overseas Filipina workers na mga tulad niyang nanay. Bukod sa Family Feud, si Dingdong ay host din ng Amazing Earth habang si Marian ay host ng Tadhana.

Sa kanilang pinagsamang star power, nagbigay ng suporta sina Marian at Dingdong para matulungan ang mga biktima ng bagyo sa lumipas na mga taon at minsang sumama rin sa PETA sa kanilang kampanya para palayain ang elepanteng si Mali mula sa Manila Zoo.

Itinatag rin ni Dingdong ang Yes Pinoy Foundation habang si Marian ay isang “dedicated woman advocate of breastfeeding and women with special needs”; at matatag na sumusuporta sa Smile Train, isang international charity para sa mga kabataan na may espesyal na pangangailangan: Cleft lip at palate o bingot.

Bilang “overprotective parents,” mayroon silang bagong layunin na malapit sa kanilang mga puso.

“Araw-araw, walang mintis, binibigyan namin sina Zia at Sixto ng Ceelin Plus para siguradong ligtas sila sa banta ng mga sakit. Ngunit hindi lahat ng bata ay nakakakuha ng proteksyong tulad nito,” sabi ng mag-asawa. “Kaya naman, natutuwa kaming maibahagi sa inyong lahat ang #PangakongProteksyon #ImmunityForAllKids ng Ceelin, kasama ng Caritas Philippines.”

Ang proyekto ay sa pakikipagtulungan ng Ceelin at Caritas Philippines, ang humanitarian, development at advocacy arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), sa ilalim ng direksyon at pangangasiwa ng Episcopal Commission on Social Action-Justice and Peace (ECSA-JP).

Tinatayang 100,000 na mga bata mula sa malalayong lugar o tinatawag na geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA) na kulang sa nutrisyon ang nabigyan ng bitamina mula nang magsimula ang proyekto noong Marso 2022, na tumutulong sa kanila na palakasin ang kanilang resistensya sa sakit lalo na’t ang mundo ay nasa gitna pa rin ng pandemya.

“Lahat ng mga bata ay may karapatang maging protektado at magkaroon ng magandang kalusugan at maging malakas ang resistensya laban sa sakit. Good health is a basic human right, but access to it is limited,” ani Dingdong at Marian.

Para maibsan ang problemang ito, namahagi ang mag-asawa ng Ceelin vitamins sa mga batang nasa pangangalaga ng Caritas Philippines noong Setyembre 13 na ginanap sa Obispado de Cubao, Quezon City, sa harap mismo ng Immaculate Conception Cathedral kung saan sila ikinasal noong 2014.

Dumalo rin sina Bishop. Jose Colin M. Bagaforo, ang Pambansang Direktor ng Caritas Philippines, Fr. Ronnie Santos, Direktor ng Caritas Cubao at mga madre mula sa Kidapawan City, Cotabato.
Nangako ang proyektong “No Child Left Behind” na walang maiiwanang bata habang ito ang programa ay ginaganap sa buong bansa, mula sa matataas na lugar ng Bontoc sa Mountain Province hanggang sa mga liblib na isla sa paligid ng Tawi-Tawi, lahat ng may humigit-kumulang 1.2 milyon na bata ay nakikinabang ngayong taon.

AUTHOR PROFILE