Dongyan

DongYan, nagpa-housewarming

December 5, 2022 Jun Nardo 356 views

NAKATUNTONG na ang ilang GMA executives, manager at malalapit kay Dingdong Dantes sa bagong bahay ng Dantes family sa isang housewarming na naganap.

Para sa Dantes fam, pamilya at kaibigan na ang turing nila sa mga tao na naging bahagi na ng kanilang buhay at career.

Present sa housewarming sina Lilybeth Rasonable, GMA senior vice president for entertainment, Perry Lansingan, mamager ni Dong, Hazel Abonita, program manager, at ang road manager na si Paolo Luciano.

Samantala, opisyal nang honorary member ng PMA Sanghaya class 2000.

Ipinakita ni Dong ang certificate ng kanyang class at oath-taking pictures sa kanyang Intagram.

Ibinahagi rin niya sa caption na matagal na niyang binalak pumasok sa military school after high school.

‘Yun nga lang, naging bahagi siya ng showbiz at naging maganda naman ang resulta ng pagiging artista niya.

Siyempre, confidential pa rin kung saan nakatira ang Dantes family, huh!

JILLIAN AT PAUL, NAPIPISIL PARA SA DONGYAN BIOPIC

NAPUPUSUAN ng fans si Jillian Ward na gumanap bilang Marian Rivera kung sakaling may gagawing biopic tungkol sa buhay nila ni Dingdong.

Si Paul Salas naman ang napipisil ng fans na gumanap bilang Dong.

Jillian at Paul bilang Dong at Yan sa kanilang biopic? Aprub ba kayo?

AUTHOR PROFILE