Dongyan

DongYan nag-family bonding sa Dubai

January 10, 2025 Vinia Vivar 106 views

Dongyan1Dongyan2Kasalukuyang nag-e-enjoy sa Dubai ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang kanilang mga anak na sina Zia and Sixto.

Sa kanyang Instagram account ay ipinasilip ni Marian ang family vacation nila at sey niya sa caption, “Making memories that will last a lifetime with my favorite people.”

Makikita sa mga larawan na binisita ng mag-anak ang tourist attraction na Dubai Desert Safari at ang gaganda ng kuha nila.

Super-sweet din ang Kapuso Royal Couple at sa isang larawan ay makikitang karga-karga pa ni Dong si Marian habang naghahalikan.

Matatandaang sa Dubai din nag-shoot ng kanilang prenup photos ang DongYan bago sila ikasal 10 years ago.

Nakakatuwa na bumalik sila sa nasabing bansa kasama na ang dalawang anak nila.

AUTHOR PROFILE