Dantes

DongYan, lilimitahan ang paglabas nina Zia at Sixto sa socmed

October 22, 2021 Vinia Vivar 189 views

Napagplanuhan na pala nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na limitahan ang social media exposure ng kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto Dantes.

Sa panayam ni Dingdong sa Skypodcast nina Slater Young at Kryz Uy, ibinahagi niyang pinag-usapan na nila ito ni Marian.

“Sabi namin, now that they sort of have this public exposure through our social media platforms, we also have to limit it. Halimbawa, mga spur of the moment, ‘di lang parati, pero nand’yan na, eh. Hindi mo na matatago ‘yan,” ani Dingdong.

Ang plano nga raw nila, pagdating ng six years old ng mga bata ay stop na ang exposure sa social media.

“Hindi pa rin malayong mangyari ‘yun. It’s a matter of when na lang, it’s a matter of time. Kasi nga, papasok na talaga sila sa school,” sey ni Dong.

“Like my daughter, she’s five, turning six. So, dapat, mag-i-stop na siya ngayon in terms of exposure, and you know, ‘yung kanyang activity online. Pero nag-pandemic. Wala pa namang school, so, I hope pretty soon, bumalik na sila,” he said.

Tapos na raw kasi si Zia sa preschool at kung kailan papasok na ito sa big school ay sakto namang nagka-pandemic.

“Ang pinaka-compromise lang namin ay ‘sige, let’s just make a point not to launch their own social media platforms.’ Dapat wala silang sarili nila because it should be their choice later on whether or not gusto nila magkaroon or hindi.

“So, whatever you see now are all from our own pages or our own platforms. At least doon, klaro tayo. And then, kung hanggang saan, siyempre may limitasyon pa rin.

“And then, siguro, saka na kami mag-uusap ’pag medyo stable na ang lahat ng bagay,” anang aktor.

AUTHOR PROFILE