DongYan hawak pa rin ang titulong MMFF Box-Office King and Queen
EXTENDED hanggang January 14 ang theatrical run ng 50th Metro Manila Film Festival entries.
Ngayong araw, January 7, dapat ang last day ng MMFF na nagsimula noong December 25, 2024.
May naglalabasang figures sa diumano’y kinita ng MMFF sa duration nito mula Pasko hanggang kahapon.
Sa unofficial figures, hindi pa rin nito natalo ang gross receipts ng 2023 MMFF. Kaya hawak pa rin nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang titulo at korona bilang MMFF Box-Office King and Queen.
Malihim man ang MMDA sa total receipts ng MMFF 50, magiging transparent din ang mga ito sa tunay na resulta ng MMFF.
Kaya congratulations pa rin!
Habulin na ang ilan pang movie entries na extended sa mga sinehan.