yanndong

DongYan, fully vaccinated na

July 10, 2021 Ian F. Fariñas 201 views

FULLY vaccinated na ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera laban sa Covid-19. Ipinost ng Kapuso Primetime King and Queen ang vaccination pictures nila sa Instagram at Facebook kahapon.

Ang DongYan ay dalawa lamang sa mga sikat na showbiz celebrities na patuloy na nagbibigay inspirasyon at humihikayat sa ating mga kababayan na magpabakuna laban sa coronavirus.

Maliban sa kanila, nariyan din ang reel at real-life couples na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at si Congresswoman Vilma Santos-Recto na nag-post pa ng isang maikling video sa IG para kumbinsihin ang mga nag-aatubiling magpa-vaccinate.

Ani Cong. Vi, “Mga kababayan, magpabakuna na po tayong lahat. Ang vaccine po ay para po sa ating kaligtasan at hindi po ito dapat katakutan. Ililigtas po tayo nito sa pandemyang Covid-19. Kaya ’wag na po tayong mag-atubili na magpabakuna. Do it for yourself, for your family, for your community and for our country. Kaya magparehistro na po kayo at siguruhin po na magpabakuna. Malalagpasan din po natin ang pagsubok na ito…”

AUTHOR PROFILE