Jurye

Dominic, nahalayan sa pagpapabakuna ni Ryan

July 12, 2021 People's Tonight 282 views

NAKARAOS na ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa second dose ng kaniang bakuna laban sa COVID-19.

Kanya-kanya ngang paandar ng pictures sa kanilang Instagram accounts ang mag-asawa.

Ayon sa caption ni Judy Ann sa isang picture, seryoso ang naging simula ng pagbabakuna nila ni Ryan pero, “nag-ending sa pakabugan ng entry sa pagturok!”

Nagpaalala rin sila kapwa na huwag magsuot ng polo na mahigpit ang manggas. Nagpasalamat din si Juday sa frontliners sa serbisyong ibinibigay sa lahat.

Sa panig naman ni Ryan, ginawang comedy ang pagbakuna sa kanya at sinabing, “My most daring role ever, TUROK Part 2.”

Nahalayan naman kunwari si Dominic Ochoa sa picture ni Ryan na nakababa ang kaliwang manggas ng suot.

Tugon naman ni Ryan, “Ayaw na sa patweetums, padre.”

Sa totoo lang, parang status symbol na ngayon ang magpabakuna, huh! May kanya-kanyang post sa social media, artista man o hindi!

JOSE, BALIK-‘CATCH ME OUT…’

MAGBABALIK na sa ere ang GMA Saturday show na Catch Me Out Philippines. Si Jose Manalo ang host nito at labanan ito ng amateurs at professional performers.

Ngayong July babalik sa TV ang Catch Me Out Philippines tuwing Sabado, 7:15 p.m.

Sa July 26 naman ang telecast date ng mapangahas na GMA series na Legal Wives. Bida rito si Dennis Trillo bilang isang Maranaw na may tatlong pinakasalan – sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE