Dominic imbiyerna sa akusasyong ginagamit niya si Kathryn
Halatang napikon si Dominic Roque sa isang basher na inakusahan siya ng panggagamit kay Kathryn Bernardo.
Sa Instagram ay nag-post ang dating aktor ng ilang mga larawan kabilang na ang naging ganap noong kanyang kaarawan last July.
Caption niya, “Snaps from mah phone… #Hulyo.”
Sa isang picture ay makikita silang magkatabi ni Kathryn sa isang table.
Isang netizen ang nagkomento ng, “September na uy! Hayss gamit na gamit naman si kathryn sa mga paganyan mo. Napakasip-sip talaga. Masyado ka ng obvious bro e.”
Hindi ito pinalampas ni Dominic at halatang imbiyerna siya sa kanyang sagot.
“Baket po ba pinapakailaman post ko? Kung ayaw nyo po, wag ka dito, mga kaibigan, pamilya etc pinopost pinapakailaman. Walang ginagamit dito, walang gamitan, magkakaibigan. Tapos,” reply ng ex-fiance ni Bea Alonzo.
Sa ngayon ay hindi na makita ang komento ng basher at ang sagot niya pero nakunan naman ito ng screenshot ng ilang netizens at ipinost nila sa kanilang social media accounts.
Marami naman ang nagtanggol kay Dominic at isa na rito ang taong may username na unaisabellahuwan. Aniya, “Gone are the days when Dom could freely and randomly post ng solo pictures ni Kath sa feed nya without these crazy people thinking any other things about it.”
Sinagot din ito ni Dominic. Aniya, “Kasi iniisipan nila ng kung ano ano.. mga delulu. Mga toxic sa soc med.”
Sabi naman ng isa pa, “Don’t mind the bashers. We, true fans, know that you and Kath are really good friends eversince. Whatever your relationship is, we’re happy that Kath has always you.”
Well, totoo namang matagal nang magkaibigan sina Kath at Dominic at matatandaan ngang kasama ang dating aktor sa grupo nila noon with Daniel Padilla na Nguya Squad.
Ka-join din nila rito sila Patrick Sugui, Ria Atayde, Joshua Garcia, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Sofia Andres at Daniel Miranda.
Hanggang sa nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Dominic at Daniel at nawala na ang una sa grupo.
Up to now, hindi pa rin in speaking terms ang dalawa.
JULIE ANNE ’DI MAKUTUBAN ANG MARRIAGE PROPOSAL NI RAYVER
Nagbabalik ang “The Clash” sa 6th season nito kaya naman super-happy ang celebrity couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na magkasama na naman sila sa trabaho.
Sila kasi ang Clash Masters ng naturang reality search.
Sey ng aktor sa mediacon na ginanap last Thursday, sobrang grateful sila dahil sunud-sunod ang blessings na dumarating sa kanila.
Biniro nga siya ng press na mukhang nag-iipon na siya para sa future nila ni Julie Anne at inamin naman niya ito.
“Totoo naman po na nag-iipon na talaga ako para sa future naming dalawa,” ani Rayver.
“Wala naman akong ibang ise-share ang future ko kundi sa kanya lang,” dagdag pa niya.
Asked kung kailan ba ito mangyayari, sey ni Rayver, siyempre, gusto niyang surpresahin si Julie Anne (sa proposal) kaya hindi niya sasabihin kung kailan.
“Kasi ‘pag sinabi ko ngayon, hindi na siya masu-surprise,” natatawa niyang sabi, “pero alam naman niya na siya ‘yung gusto kong makasama habang buhay.”
Natanong naman namin si Julie Anne kung may inkling o kutob ba siya kung kailan magpo-propose sa kanya si Rayver.
“Sometimes, it crosses my mind but minsan, ano, eh, shina-shrug off ko na lang kasi, again, gusto ko nga rin ma-surprise. Hindi pa naman ako kinukutuban,” sey niyang natatawa.
Hirit ni Rayver, “Maganda ‘yung ganyan para ma-surprise siya.”
Ayon pa sa aktor, wala pang definite date talaga. Pero ulit niya, wala siyang ibang pakakasalan kundi si Julie Anne.
Samantala, bilang hosts ng “The Clash 2024,” ayon kay Rayver, mas intense ang competition ngayon.
“Dapat abangan ang bagong batch ng Clashers. Napakinggan na namin sila at ang masasabi ko lang ay magkakaroon ng matitinding labanan talaga ngayon sa ‘The Clash 2024’,” aniya.
Sey naman ni Julie Anne, mas exciting ang 6th season dahil may mga twists na magaganap.
“This 2024, panibagong pagsubok ang haharapin ng ating clashers. Mas nakakakaba at kakaibang twists sa clash arena ang sasalubong sa kanila. Exciting ito dahil 6th season sở ang ‘The Clash’ at panibagng champion ang dadagdag sa ating breed of Kapuso singers,” she said.
Makakasamang muli ng JulieVer sina Ai-Ai de las Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha bilang Clash Panel. Magsisimula na ito ngayong Sept. 14, 7:15 p.m., sa GMA-7.