Dominic Roque

Dominic binansagan ng netizens na ‘unbothered,’ ‘unproblematic’

February 17, 2024 Vinia Vivar 306 views

“Unbothered” at “unproblematic” ang tawag ng netizens ngayon kay c sa gitna ng hiwalayan nila ni Bea Alonzo at sa kung anu-anong isyung lumilitaw kaugnay nito.

Panay kasi ang post ni Dom ng mga larawan niya sa social media at kung ano ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon.

Pinuna ng netizens ang maaliwalas niyang mukha at parang unaffected sa mga nangyari.

In fairness, puro positive comments naman ang mga nabasa namin.

“Dominic is so unbothered, unproblematic, kita sa face niya na wala siyang kasalanan, malinis ang concensya, deadma lang siya. can face people with his pogi face. kasi walang bigat na dinadala wala naman siyang tinapakan or nasaktan na ibang tao. mas lalo siya pumogi sa paningin ko and deseve niya ng babae na sariwa,” komento ng isang netizen.

“Be happy if di para sayu si bea makakatagpo ka ng para sayu mahirap mag post ng lungkot lungkotan magpaparinig na naman mga manager nya haha less Kita sa kanila,” sabi naman ng isa pa.

“May Bea man o wala Ikaw Pa rin si Dòminic Roque na idol ko. God bless you always papa Dom,” sey ng isa niyang tagahanga.

“Bigla tuloy ako naging fan ni Dominique R. Nasa itsura po nya ang pagiging mabait,” sabi pa ng isa.

“You are loved by many Dom, you will be blessed. You lose nothing, but you are blessed to be taken away from a wrong person. Stay happy! We love you!” sabi naman ng isa pa.

Halos puro ganyan ang mga komento kay Dominic, which means nasa kanya ang simpatiya ng karamihan sa breakup nila ni Bea.

On the other hand, isang beses pa lang nag-post si Bea matapos kumpirmahin ang kanilang breakup at ito ay noong Valentine’s Day.

Nag-post siya ng mga larawan kung paano niya ginunita ang nasabing espesyal na araw for lovers at makikitang nasa bahay lang siya at nanood ng pelikula.

May lumabas namang video kung paano siya sinorpresa ng kanyang house staff nang araw na ‘yun at makikita ritong napaiyak ang aktres.

Pati ang fans niya ay nakiiyak at naawa sa kanya.

“Grabe ung iyak ko kc nakita at naramdaman ko sa mga mata nya ung bigat na pinagdadaanan nya. Please remind her always of our unending love and support for her. We’ll keep on praying for her because we love her dearly!!! Happy V Day @beaalonzo!” komento ng isang fan.

“Nkakatouch naiyak Ako… my idol bea…. Happy valentines po… Sana mag bigayan kayo Ng second chance Ni Dom KC na love pa ninyo ang isat Isa…,” sey naman ng isa pa.

AUTHOR PROFILE