Dombea

Dominic, bet mag-level up ang relasyon kay Bea

September 3, 2021 People's Tonight 197 views

“HONEY” ang tawagan sa isa’t isa ng showbiz couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Pero mas ginagamit nila ang salitang “Hun” kesa sa kumpletong “Honey.”

Naging guest sina Bea at Dominic sa podcast ng Kapuso couple na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia.

Ikinuwento ni Dom sa Balitanghali na sa biyahe nila sa Japan nagsimula ang closeness nila.

Ayon pa sa aktor, right timing daw ang ginawa nilang pag-amin sa kanilang relasyon.

Umaasa rin siyang mauuwi sa mas mataas na level ang kanilang relasyon ni Bea. \

Speaking of Bea, walang katotohanan ang kumakalat na balita sa social media na isasama siya sa pagbabalik sa ere ng The World Between Us nina Alden Richards at Jasmine Curtis Smith na muling mapapanood sa November.

FINAL EPISODE

FINAL episode na ngayong gabi ng Catch Me Out Philippines na hinu-host ni Jose Manalo.

Ang papalit sa timeslot ng Catch Me Out ay ang collaboration ng Regal Entertainment at GMA sa weekly series na Regal Studio Presents.

Bida sa unang kuwento ang The Thin Line Between Us na unang partnership nina Ken Chan at Sanya Lopez.

Ngayong gabi naman ay muling mapapanood sa Magpakailanman ang kuwento ng dalawang batang sina Bilog at Bunak.

Final episode na rin bukas sa Daig Kayo ng Lola Ko ng Captain Barbie nina Barbie Forteza at Jeric Gonzales. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE