
Dominic at Sue sinusulit ang ‘dating stage’
Mukhang sinusulit talaga nina Dominic Roque and Sue Ramirez ang kanilang “dating stage” dahil kung saan-saan na nga sila nakikitang nagde-date at tila hindi naman nila ito itinatago.
Sa huling Instagram post ni Dom ay sa restaurant naman ni Judy Ann Santos sila nag-date.
Makikita sa larawan na sweet na sweet sina Sue at Dominic. May group photo rin sila with some friends kabilang sina Kathryn Bernardo, Alora Sasam, mag-asawang Juday, Ryan Agoncillo at anak nilang si Lucho.
“Angrydobo Chef’s Night! Busog lusog kasama ang Pamilya. NapakaSARAP! Thank youuu Nayyy! #ThisIsLove #LoveEatRelationship #ADChefsNight@officialangrydobo,” ang caption ni Dominic.
Sa comment section ay masayang-masaya ang fans na makitang happy din si Dom.
“It’s great seeing happy faces especially your smile @dominicroque New year brand new start! Happy to see you happy Dom,” komento ng isang netizen.
Matatandang last December ay parehong umamin sina Dom at Sue na nasa dating stage sila.
Hindi pa raw sila in a relationship pero sa tingin namin ay getting there na sila (kung wala pa nga).