Dominic at Bea muling nagharap… Sue at Dominic may relasyon na
Totoo umano na may relasyon na sina Dominic Roque at Sue Ramirez.
Ito ang latest tsika ni Ogie Diaz, ayon sa kanyang source.
“Sabi ng aking source ay mag-on na raw sina Sue Ramirez at Dominic Roque,” pagbabalita ni Ogie sa kanyang latest vlog.
Sey pa niya, hindi lang sure ang kanyang source kung gaano na katagal ang relasyon ng dalawa.
Hindi na rin naman daw kataka-taka, if ever, na sina Sue at Dominic na nga dahil sa kissing video ng dalawa na kumalat kamakailan habang nasa isang bar sila sa Siargao.
“Para mag-kiss na kayo sa labi, siyempre, something is happening,” sey pa ni Ogie.
Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag sina Sue at Dominic tungkol sa rumored relationship nila at marami na nga ang nag-aabang sa statements nila.
Nabanggit nga rin ni Ogie na nagkita kamakailan si Dominic at ang ex-fiancee niyang si Bea Alonzo sa isang birthday party.
Mukhang magkaibigan naman daw ang dalawa.
“Doon daw ay nagkahuntahan saglit (ang BeaDom) pero naghiwalay din ng landas. Nagbeso lang, tapos tsika nang konti tapos nag-split na. So, mga 10 minutes lang tumagal doon (sa party) si Bea,” tsika ni Ogie.
Kaya kung talagang may bago nang GF si Dom ay mukhang wala namang violent reactions from the fans dahil matagal na silang break ni Bea.
Wala ring negative reactions ang netizens kay Sue dahil four months nang break ang aktres at si Javi Benitez.
Sa mga nakikita naming comments ay suportado pa nga ng kanilang fans ang relasyong Sue-Dom if ever na may relasyon na nga sila, ha.