Dolor

Dolor nanguna sa pamimigay ng food packs sa mga binaha

December 29, 2024 Jojo C. Magsombol 167 views

TUMANGGAP noong Disyembre 27 ng food packs mula sa pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pangunguna ni Gov. Humerlito “Bonz” Dolor, ang mga residente sa lugar na naapektuhan ng baha.

Umabot sa 196 residente ang napagkalooban ng family food packs sa Brgys. Catiningan at Socorro samantalang 223 naman sa Brgy. Malabo, Victoria.

Nasa 599 ang tumanggap ng relief goods sa Brgy. Pinagsabangan II.

“Personal akong umiikot sa mga barangay upang magpahatid ng tulong.

Nais kong madama ninyo na ramdam ng pamahalaang panlalawigan ang inyong pinagdadaanan,” sabi ni Gov. Bonz.

AUTHOR PROFILE