Dolly tuluy-tuloy ang nominasyon sa international awards
FIFTY-three-year old stage, TV and film actress Dolly de Leon continues to make waves globally matapos siyang mapasama sa Cannes’ Palmes d’Or winning movie na “Triangle of Sadness” directed by award-winning writer-director, Ruben Ostlund na siya ring ginawarang Best Director mula sa European Film Award for the same movie. Si Ostlund din ang nanalo ng Best Screenplay mula sa same award-giving body gayundin ang Best Actor for Zlatko Buric.
Sunud-sunod ang nominations na natanggap ng Filipino actress na sinimulan sa Golden Globe Awards.
Nominated din si Dolly sa 76th British Academy of Film and Television Awards (BAFTA) for best supporting actress, making her the first Filipino ever cited for the British award-giving body na counterpart ng Britain sa Oscars ng Amerika. Bukod sa Golden Globe Awards at BAFTA, si Dolly ay nominado rin bilang Best Actress sa iba pang award-giving bodies tulad ng Satellite Award for Best Supporting Actress maging ng National Society of Film Critics Awards 2023, also for Best Supporting Actress.
Manalo’t matalo man si Dolly sa kanyang iba’t ibang international nominations, napakalaking karangalan pa rin ito para sa kanya at sa Pilipinas, her being the first ever-Filipina na nabigyan ng ganitong pagkilala.
Ang 76th British Academy of Film and Television Awards (BAFTA) ay nakatakdang ganapin sa February 19 (Sunday) at 7 p.m.
Nominado rin si Dolly bilang Best Supporting Actress sa GuldbaggeAwardsm, isang Swedish Films Awards.
It was in May 2022 nang lumagda ang Filipina actress ng talent management contract with Fusion Entertainment, isang artist talent agency sa Amerika.
Ogie at Regine araw-araw napapanood sa ABS-CBN
IT was in August 2022 nang maging opisyal ang pagiging miyembro ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa daily morning show ng ABS-CBN, ang “Magandang Buhay” matapos siyang maging guest co-host ng programa originally hosted by Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Canteveros when Daniel Padilla’s mom took a leave of absence from the program dahil sa kanyang pagpasok sa pulitika. Months later, muling bumalik si Karla sa programa only for her to make her final announcement na aalis na siya to focus on her new political career. Ditona nag-desisyon ang pamunuan ng Kapamilya network na gawin nang permanente si Regine at agad namang nakita ang magandang chemistry ng tatlo.
Hindi ikinakaila ng misis ni Ogie Alcasid na nagi-enjoy siya sa morning show with Jolina and Melai at isa umano siya sa avid viewer ng programa ay ang kaisa-isang anak nila ni Ogie na si Nate who even celebrated his recent birthday sa nasabing show.
Kaya ang mag-asawa ay regular na napapanood sa magkaibang daily show, si Ogie sa noontime program na “It’s Showtime” habang sa “Magandang Buhay” naman si Regine. Tuwing Linggo ng tanghali ay magkasama naman sila sa Sunday musical program na “ASAP Natin `To.”
Hindi mauubusan ang manonood sa VivaPrime
ISANG grand media event ang naganap last Thursday, January 19 para sa launch ng pinakabagong streaming app ng Viva, ang VivaPrime kung saan maipapalabas ang mga past movies ng Viva and other contents tulad ng concerts, series and even foreign movies including Korean movies.
Vivamax was launched in January 2020 at meron na itong growing subscribers of more than 6 million. Sa nasabing platform nakilala ang maraming sexy stars ng kumpanya tulad nina AJ Raval, Angeli Khang, Angela Morena, among others.
Dahil kilala na ang Vivamax sa mga sex-oriented films, nag-desisyon ang Chairman and CEO ng Viva na si Boss Vic del Rosario na kailangan nila ng panibagong streaming platform kung saan naman nila maipapalabas ang mga content na pampamilya at dito nabuo ang VivaPrime na magsisimula ngayong January 29.
It was in 2018 nang magsimula ang development ng Viva ng kanilang sariling streaming platform which they formally launched in January 29, 2020 with “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” na sinulat at dinirek ni Darryl Yap na siyang maituturing na `Vivamax King’ dahil lahat ng kanyang mga pelikulang sinulat at dinirek sa Vivamax ay successful.
Dalawang taong pa lamang ang Vivamax pero may kasunod na silang binuong streaming platform – ang VivaPrime na pareho lamang ang subscription fee sa Vivamax.
Kasama sa ipapalabas sa VivaPrime ang series na “Rain in Espana,” isang sikat na Wattpad series na sinulat ni Gwy Saludes. Tampok sa nasabing serye sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Bea Binene, Andre Yllana at marami pang iba mula sa direksyon ni Theodore Boborol
Sa kapal ng catalogue ng Viva, hindi mauubusan ang mga subscriber ng VivaPrime sa kanilang panonood.
The grand event was hosted by Billy Crawford while the Q&A portion ay sinalo naman ng Viva singer-actress-host na si Jean Kiley.
Marami ring directors ng Viva ang dumalo sa nasabing event at kasama sa mga ito sina Direk Paul Basinillo, Jason Paul Laxamana, GB Sampedro, Mikhail Red, Shugo Praico at marami pang iba.
Pinangunahan ang grand launch ng VivaPrime ng dalawa sa mga anak ni Boss Vic del Rosario na sina Vincent at Valerie del Rosario.