Default Thumbnail

DoF Sec. Carlos Domiguez: ‘Oil smuggling, on the decline’

May 23, 2021 Vic Reyes 421 views

UMAABOT na ng tumataginting na P229.5 bilyon ang buwis na nakokolekta ng gobyerno sa pagpapatupad ng fuel marking program.

Ang programa na nagsimula noong September 2019 ay naglalayong matigil ang ismagling ng mga produktong petrolyo.

Sa ilalim ng programa, tinuturukan ng kemikal ang mga produktong petrolyo na binayaran ng buwis.

Dahil dito, alam ng mga taga-BoC at BIR ang mga ipinagbibili sa merkado na nagbayad ng buwis.

Ang ibig sabihin, puslit ang mga produktong walang marka.

Sinabi nga ni Finance Secretary Carlos Dominguez lll na “on the decline” ang oil smuggling.

Ito ay nakikita sa tumataas na tax revenue collection sa pamamagitan ng fuel marking program.

Ayon sa rekord, ang P229.5 bilyong buwis ay galing sa 23.59 bilyong litro ng produktong petrolyo na naturukan ng kemikal.

Of the total, ang nakolekta ng BoC ay P201.58 bilyon.

Ang koleksyon naman ng BIR ay umabot ng P27.92 bilyon.

Noong nakaraang buwan ay nagsimula na ang BoC at BIR na magsagawa ng random field at confirmatory testing para masigurong sumusunod sa field marking program.

Ang karamihan sa mga naturukan ng kemikal ay diesel (14.34 bilyong litro), gasolina (9.13 bilyon) at kerosene (127.92 milyon).

Karamihan sa mga fuel-marked na produkto (17.35 bilyon litro) ay sa Luzon.

Ang biggest volumes ng tax-paid products ay pag-aari ng Petron, Shell at Unioil.

Malaki talaga ang naitutulong ng fuel marking program sa revenue collection drive ng gobyerno.

***

Mahigit ng 8.2M doses ng COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa.

Ang maganda ay mabilis at maayos na nailabas sa NAIA ang mga bakunang ito para dalhin sa mga storage facility.

Sa totoo lang ay pre-cleared na ang mga bakunang ito para masigurong mula sa eroplano ay maisasakay kaagad sa mga reefer van na magdadala sa storage facility.

Ito ay ginagawa ng BoC-Port of NAIA at National Task Force against COVID-19 sa one-stop-shop sa NAIA.

Ang huling batch ng bakuna, 520,000 doses ng Sinovac, ay dumating sa NAIA noong Mayo 20.

Naka-consigned sa DoH, ang shipment ay sinalubong nina Health Sec. Francisco duque lll, Chief Presidential Protocol Usec Robert Borje at Port of NAIA District Collector Mimel S. Manahan-Talusan.

Sinabi ni Collector Talusan na committed ang BoC na mabilis na nailabas ang mga bakuna, PPE at iba pang medical supplies.

Sa katunayan full support si BoC Chief Rey Leonardo Guerrero sa vaccination program ng gobyerno.

Dapat makontrol na ang pandemya para umusad na ang ekonomiya.

Tama ba kami Sec. Dominguez?

***

Tama ang ginagawa ng Comelec na pagpapaigting sa voter registration campaign.

Napakahalaga ang eleksyon sa 2022.

Pipiliin natin ang papalit kay Pangulong Duterte at Vice President Leni Robredo.

Makapangyarihan ang taumbayan tuwing eleksyon.

Taumbayan ang pipili sa kanilang mga lider.

Kaya hiling ng Comelec: Register and vote!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE