DOE: Oil firms nangako na presyo ng gas, diesel bababa
NANGAKO ang mga oil firms na posibleng bumaba ng P2 hanggang P2.20 per litro ang diesel, gasolina ng mula P1.15 hanggang P1.35/litro at P1.90 hanggang P2/litro ang gaas sa susunod na linggo.
Ibinatay ni Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (OIMB-DOE) Assistant Director Rodela Romero ang ginawang pagtaya sa posibleng malakihang bawas-presyo ng petrolyo sa apat na araw na kalakalan ng langis sa pandaigdiang pamilihan.
Ayon sa opisyal, malalaman ang eksaktong price drop kapag nagsara ang trading sa Biyernes ng hapon.
Ilan sa mga nakaapekto sa pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo ang mahinang demand ng langis sa pandaigdigang pamilihan, ang posibleng tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Gaza na nagpagaan ng takot sa supply ng langis at ang pagbawi ng produksiyon nito mula sa Sharara oil field sa Libya.