Zeinab Harake Larawan mula sa IG/Zeinab Harake

Diwata sa kagubatan

February 18, 2024 People's Tonight 374 views

BIYAYA kung ituring ng Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. ang pagkakaroon ng nobyang tulad ng vlogger-turned-actress na si Zeinab Harake.

Sa latest Instagram post ng social media star, pinasilip niya ang taglay na kaseksihan sa ilang larawan habang nasa Buscalan, Kalinga.

Suot ni Zeinab ang itim na one-piece swimsuit. Balot man sa pang-itaas ang vlogger-actress, todo-bandera naman siya sa kanyang makinis na legs.

“Nature never goes out of style,” sey niya sa caption ng kanyang post.

Napa-comment naman ang basketbolistang nobyo ni Zeinab sa kanyang patakam.

“Sobrang blessed ko naman to have you,” saad ni Ray Parks.

Maging ang netizens ay pinusuan at nagbigay reaksyon sa kaseksihan at kariktan ng “Kampon” actress. Narito ang ilan nilang komento: “Diwata sa kagubatan,” “nature is more beautiful with you in one frame,” “you look so freakin fine!” at “Ganda mooo madam!!!”

AUTHOR PROFILE