Divorce Ang mag-asawa na sina alyas Jenny at Roscoe habang nagpapaliwanagan kaugnay sa Divorce bill. Kuha ni Jon Jon Reyes

Divorce: Last option sa toxic na mag-asawa

June 3, 2024 Jonjon Reyes 253 views

PABOR ang babaeng limang taon nang kasal na maisabatas ang HB 9349 o ang Divorce bill dahil maituturing na divorce ang “last option in a toxic relationship between a husband and wife.”

Ayon kay Anne: “Para sa akin isa lamang itong last option in a toxic relationship between husband and wife.

Ngunit sigurado ako na bago pa dumating ang mag asawa sa puntong ito sinubukan muna nila magkaayos ng maraming beses bago sila maghiwalay at umabot sa divorce.”

“At para naman sa minsan nang nagkamali sa pagpapakasal o yung mga taong napilitan lamang makisama sa isang relasyong hindi nila ginusto o yung mga tinatawag na fixed marriage, pabor ito sa kanila dahil higit sa lahat ang kasal sagrado para lamang sa dalawang taong nagmamahalan.

Hindi rin ito isinasagawa nang dahil lamang sa isang ‘love child.'”

Ayon kay Anne, kagustuhan ng dalawang tao ang kasal at sumumpang magsasama habang buhay sa hirap man o sa ginhawa.

“Para sa mga taong nakakulong sa isang kasal na may ibang minamahal, pabor rin ito sa kanila dahil may pagkakataon na sila maging malaya at pakasalan ang isang taong tunay nilang minamahal.”

Sinabi ng babae na hindi balakid ang pagpasa ng Divorce Bill sa Kamara para sa mga taong kasal, buo ang pamilya at tunay na nagmamahalan.

“Responsibilidad ang pagiging buo ng isang pamilya ng dalawang tao na bumuo nito.

At habang nagmamahalan ang mag asawa, naipapasa nito ang positibong enerhiya at ideya sa kanilang mga anak tungkol sa kahalagahan ng isang pamilya.”

AUTHOR PROFILE