Yacht

DIVE YACHT LUMUBOG, 4 NAWAWALA

April 30, 2023 Zaida I. Delos Reyes 280 views

APAT katao ang iniulat na nawawala habang 28 iba pa ang nailigtas matapos na lumubog ang isang dive yacht sa katubigan ng Tubbagaha, Palawan nitong Lunes ng umaga.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) command center, nakatanggap sila ng report na lumubog ang M/Y Dream Keeper dakong 6:49 a.m.

Agad na rumesponde ang search and rescue team ng BRP Melchora Aquino, Coast Guard Sub-Station Tubbataha at iba pang dive boats sa lugar.

Dakong 12:00 ng tanghali, umabot na sa 28 katao ang nailigtas habang apat pa ang nawawala.

Napag-alaman na umalis ang M/Y Dream Keeper sa San Remegio, Cebu City noong April 27 at nakarating sq Tubbagaha reef dakong 10:00 ng gabi nitong Sabado.

Patuloy pang inaalam kung ano ang naging sanhi ng paglubog ng barko.