Discaya Ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya habang masayang umiikot sa pamayanan ng mga nasa laylayan ng lipunan sa lungsod ng Pasig matapos mamigay ng ayuda noong hindi pa siya kandidato sa pagka-alkalde.

Discaya: Pamamahagi ng gov’t funds magiging pantay-pantay

February 18, 2025 People's Tonight 146 views

ILANG buwan bago ang 2025 midterm elections ay sinabi ni Pasig mayoralty aspirant Sarah Discaya na magiging pantay-pantay ang pamamahagi niya ng city government funds at resources sa lahat na sektor ng lungsod upang matiyak umano na walang Pasigueño na maiiwan sakaling siya’y palarin na maihalal.

Kamakailan lamang ay pumutok ang balita na umabot ng mahigit P3.025 bilyon ang surplus fund o sobrang pondo ng Pasig City ngayong taon.

Dagdag pa rito, ilan din sa mga senior citizens ang nagsasabing kulang umano ang mga benepisyong kanilang natatanggap.

“Under my watch, this will not happen because I want equal distribution of wealth and resources to all Pasiguenos,” sabi ni Discaya.

Isinaad pa ni Discaya, na kilala sa tawag na Ate Sarah, na kailangan umano ng Pasig na magkaroon ng mga bagong health centers upang masigurong mayroong tag-iisang healthcare facility at sapat na health workers ang bawat komunidad ng lungsod.

Layunin ni Discaya na gawin umanong ‘smart city’ ang lungsod ng Pasig na mayroong smart hospitals, smart schools, housing buildings, at sistematikong transport system.

AUTHOR PROFILE