Roman

Direktor ng ‘Taya,’ tutol sa regulasyon

August 20, 2021 Ian F. Fariñas 179 views

DIRETSAHANG sinabi ni Direk Roman Perez Jr. na hindi siya pabor sa pagkakaroon ng regulation o censorship ng mga pelikula sa online streaming sites.

Sa virtual mediacon kahapon para sa pinakabago niyang obra sa Vivamax, ang psychedelic-erotic-thriller na Taya starring AJ Raval and Sean de Guzman, iginiit ng direktor na hindi dapat pinipigilan, pinuputol o pinagbabawalan ang alinmang bahagi ng mga pelikula.

Malaking kalokohan daw ang ideya ng regulation sa online streaming lalo pa nga’t ang foreign companies na gaya ng Netflix ay malayang nakapagpapalabas ng mga mapangahas at mas sensitibong materyal nang walang censorship.

Obserbasyon ni Direk Roman, maaaring nabuhay ang suhestiyong ito dahil nasilip ng mga kinauukulan na malaki ang kinikita o pumapatok sa netizens ang film releases ng Vivamax.

“Hindi ako naniniwala du’n. Walang karapatan ang mga tao na i-regulate tayo,” giit pa ng direktor na sinang-ayunan naman ng bagong Pantasya ng Bayan na si AJ.

Speaking of AJ, inamin niya sa nasabing Zoomcon na hiwalay na sila ng non-showbiz boyfriend niya of more than two years.

Game niyang sinabi na isa si Sean sa mga naging rason ng hiwalayan.

Sa Taya kasi, todo ang mga eksena nila ng lampungan bilang Sixto (Sean) at Nanette (AJ). Journalism student si Sixto na mahilig sa online “ending.” Si AJ naman, ginamit na papremyo ng sindikato sa naturang online game.

Sa titindi ng intimate scenes nila, tinablan daw si Sean na naintindihan naman ni AJ dahil nga lalaki ito at hindi iyon maiiwasan paminsan-minsan.

Sa sobrang close nga ng dalawa, wala na raw silang ilangan sa set kahit pa magkakitaan sila ng private parts nila.

Agree sila pareho na pwedeng mauwi sa totohanang relasyon ang chemistry at rapport nila on cam, pero mas pinahahalagahan daw nina AJ at Sean ang friendship na nabuo habang ginagawa ang Taya.

“Wala mang commitment, we care for each other,” dagdag ng dalaga.

Bawi naman ni Sean, “Hayaan natin ang panahon kung dumating sa ganu’ng punto… hintay lang kayo.”

Kasama rin sina Jela Cuenca, Angeli Khang, Soliman Cruz, Mon Confiado, Pio Balbuena at Raul Morit, ang Taya ay may global premiere sa August 27 sa ktx.ph, IWanTFC, TFC IPTV at Vivamax.

Barbie‘CAPTAIN BARBIE,’ WAGI SA RATINGS

siguradong mas kilig ngayon si Barbie Forteza dahil sa bonggang rating ng pilot episode ng Captain Barbie nila nina Jeric Gonzales at Anjo Damiles sa Daig Kayo ng Lola Ko.

base sa datos ng NUTAM People Ratings ng Nielsen Phils. nu’ng August 15, nakakuha ang Captain Barbie ng 14.6 percent na rating.

Suwerte nga siguro kay Barbie ang kauna-unahang pagkakataon na gumanap bilang isang superhero dahil talagang ang taas ng lipad ng suporta sa show ng Kapuso viewers.

Matatandaan na super excited ang aktres sa gagampanang papel na may super power dahil bata pa raw siya ay pangarap na niyang makagawa ng ganitong proyekto.

Wish granted na nga, palung-palo pa sa puso ng mga manonood ang dream come true ni Barbie.

Anyway, napapanood ang Captain Barbie sa Daig Kayo ng Lola Ko tuwing Linggo, alas-siyete ng gabi, sa Kapuso network.

AUTHOR PROFILE