Cinema

Direktor, ‘frozen delight’ sa film outfit dahil sa malasadong line producer

May 20, 2022 Jun Nardo 362 views

NADALA na raw ang isang film production company na magpa-line produce ng pelikula nila. Napapansin daw ng producer na mas kumikita pa ang namamahala sa line production kesa sa movie company.

Eh, sa nakaraang movies na ginawa ng film outfit, laging may line producer ang director.

Eh, maganda naman ang resulta noong una pero nang katagalan, may napansin nang kamalasaduhan ’pag may line producer ang isang movie.

Kaya ang film company ngayon, tumigil munang bigyan ng project ang isa nilang director.

At ang movie company na rin ang over-all-in-charge sa film production, huh!

BUGBOG-SARADO

SINA Kapuso stars Thea Tolentino at Martin del Rosario ang tampok sa fresh episode tonight ng Magpakailanman.

Kuweno ito ng isang babaing mali ang desisyon sa buhay kaya nauwi siya sa peligro.

Ang episode tonight sa MPK ay pinamagatang When My Dughter Falls in Love na bugbog-sarado sa lalaking pinili.

AUTHOR PROFILE