Topel

Direk Topel, pinapanood ng porn ang mga bida ng ‘L’

February 14, 2022 Vinia Vivar 1125 views

Inamin ni Direk Topel Lee na pinapanood niya ng porn videos ang mga cast sa upcoming Vivamax series na L para ma-portray ng mga ito ang tamang emosyon kapag nakikipag-sex.

Hindi naman naging problema ito sa mga sexy star na sina Cara Gonzalez at Stephanie Raz dahil aminado silang nakatulong ito para maipakita nila ang tamang reaksyon sa love scenes.

“Kinukuha po talaga namin ‘yung reaksyon ng girl and guy,” sabi ni Stephanie.

Ayon naman kay Cara, “Isa sa reasons kaya nanonood ng porn kasi doon tayo nakakahanap ng ideas. Katulad na lang po nu’ng sa past movie na nagawa namin, babae sa babae. So, wala po kaming alam do’n. Pero nu’ng napanood po namin ‘yung porn na site na ganu’n, nagkaroon po kami ng idea. Pero para sa work po ‘yun, para sa benefit din ng pelikula.”

Nilinaw naman ni Direk Topel na hindi niya ini-encourage manood ng porn ang mga artista nila kundi para lang kumuha ng tamang emosyon at reaksyon sa love scenes.

“What I was trying to do is show them na when you’re having sex or ejaculation, for example, ito ‘yung mga emosyon na kailangang makita sa mga mukha n’yo,” sey ni Direk Topel.

Ang L ay isang three-part-series erotic trilogy tampok ang tatlong magagaling na direktor na sina Topel (Larawan episode), Ej Salcedo (Liko episode) at Roman Perez, Jr (Lipat episode).

Magkakarugtong ang tatlong episodes na pinagbibidahan nina Stephanie, Cara, Vince Rillon, Ayanna Misola, Cloe Barreto at Jamilla Obispo.

Maraming erotic escapades ang pagpipilian sa L simula February 27, streaming online sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe, Canada at USA.

AUTHOR PROFILE