Toni

Direk Paul inaming hindi nawawala sa kanila ni Toni ang away

December 10, 2022 Aster Amoyo 203 views

ANG singer, actress, TV host, movie producer at entrepreneur na si Toni Gonzaga mismo ang nagsulat ng “My Teacher” na kanya mismo pinagbibidahan along with veteran singer-songwriter, actor-comedian, TV host and painter na si Joey de Leon na dinirek mismo ng mister ni Toni na si Paul Soriano and jointly produced ng Ten17P (ni Direk Paul) at TinCan Productions (ni Toni) ng mag-asawa.

Ang nasabing pelikula ay tribute ng mag-asawang Toni at Paul sa mga teacher na siyang mga pangalawang magulang ng mga estudyante.

Ang “My Teacher” ay isa saw along pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa araw ng Pasko, December 25 at magtatapos ng January 7, 2023.

Sa solo presscon ni Direk Paul na ginanap sa ballroom ng Winford Hotel Manila, inamin nito na hindi umano nawawala sa kanila ni Toni Gonzaga ng diskusyon na normal naman umano sa isang mag-asawa pero  hindi pa umano dumating sa punto na sila’y mag-away over little things.

They are both responsible parents sa kanilang 6 years old son na si Seve na curious at nakakaintindi na sa maraming bagay.

Kahit pareho silang working parents, they make it a point na may oras sila sa kanilang anak at meron din umano silang bonding time.

Direk Paul still brings Seve to school at siya rin ang nagsusundo na ginagawa  rin ni Toni when he’s not available and vice versa.

Very supportive si Direk Paul sa kanyang wife who wants to do a lot of things at supportive naman umano sa kanya ang kanyang misis sa mga ginagawa niya including his being appointed by Pres. Bongbong Marcos as Presidential Adviser on Creative Communications with P1 a year as his salary as he wanted to be of service to the President and to the country without any compensation.

“May sarili naman kaming ibang pinagkakakitaan ng misis ko,” pag-amin pa ni Direk Paul at his solo presscon for “My Teacher” na kanyang dinirek at pinagbididahan nina Toni Gonzaga at Joey de Leon.

Unknown to many, si Paul ay pamangkin sa pinsan ni First Lady Liza Araneta-Marcos kaya malapit sila ng kanyang wife na si Toni sa First Family.

Jovit2

Jovit ihahatid na sa huling hantungan sa Miyerkoles

GONE too soon! Ito ang mga salitang namumutawi sa mga taong malalapit at nakakakilala sa kauna-unahang grand champion sa reality talent competition na “Pinoy Got Talent” na si Jovit Baldivino na sumakabilang-buhay nung alas-4 ng umaga ng December 9 dahil sa aneurysm. He was 29.

He was comatose for five days at the Nazareth of Jesus Hospital in Batangas kung saan siya isinugod nung gabi ng December 3 matapos siyang mag-perform sa isang private party ng isang kaibigan from Batangas City.

Iniwan ni Jovit ang kanyang parents na sina Hilario `Larry’ at Cristeta Baldivino, fiancé na si Camille Ana Miguel at iba pang mahal sa buhay.

Ang mga labi ni Jovit ay kasalukuyang naka-burol sa kanilang tahanan in Marilag, Rosario, Batangas hanggang sa araw ng Martes, December 13. Siya’y nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan on Wednesday, December 14. Si Jovit ay may 6-year-old daughter na si Akeya sa kanyang fan-turned ex- girlfriend na si Shara Jane Galvez.

PaoloPaolo1

Paolo bihirang makita ang ama

YOUNG actor Paolo Gumabao is slowly making a mark bilang actor, away from the shadow of his half-brother na si Marco Gumabao at sa kanyang famous biological dad na si Dennis Roldan, sa kanyang half-sister na si Michelle Gumabao maging sa kanyang tihayin, ang veteran actress na si Isabel Rivas.

Since he was seven, gustong-gusto na niyang mag-artista kahit sa Taiwan siya lumaki at nagkaisip.

He was in grade school in Taiwan nang makaranas siya ng pambu-bully hindi lamang sa mga kapwa niya estudyante kundi maging sa mga teachers dahil sa kanyang ibang looks. He was tall and mestizo at hindi singkit ang mata.

Kahit mismo si Paolo ay nagtataka kung bakit iba ang kanyang hitsura sa kanya (half) brother na si Ryan maging sa kanyang mga kaklase, teachers at mga taong nasa kanyang paligid sa Taiwan kung saan siya nagkaisip knowing that his stepdad na si Pao Chen ay siya niyang tunay na ama at ang younger (half) brother niyang si Ryan ay 100% niyang blood brother.

His stepdad treated him just like his own. He was adapted by his stepdad and his name is Paul Chen. But he only found out his real indentity when he accidentally overheard his mom talking to his aunt (back in Manila) na ang actor na si Dennis Roldan ang kanyang biological father at hindi si Pao Chen na kanyang kinagisnan at kinalakihang ama. When he heard enough, kinausap niya ang
kanyang inang si Sheryl Sorreta at dito ipinagtapat sa kanya ang lahat-lahat na dapat niyang malaman.

He never sow hatred sa kanyang ina, sa kanyang stepdad maging sa kanyang biological dad for keeping his real identity a secret for years at sa halip ay gumawa umano siya ng paraan na makilala ang kanyang biological father at mga kapatid.

“I thought ako ang panganay sa amin ng kapatid kong si Ryan. Hindi ko alam na may pito pa pala akong kapatid (sa father side ko) at ako ang bunso niyang anak,” nakangiting panahayag ni Paolo.

“Very welcoming ang (biological) father ko and his family, his wife na si Tita Loli (Imperial) and my siblings,”pahayag pa ng actor. “I never had problems with them since I met them,” kuwento pa niya.

Dahil sa sobrang higpit ngayon sa pagbisita sa mga inmates, hindi niya madalas makita at mabisita ang kanyang amang si Dennis na matagal nang nakapiit sa New Bilibid Prisons in Muntinlupa.

“Sa mga special occasions lang namin siya ngayon nabibisita tulad ngayong Christmas and New Year at sa kanyang birthday,” dagdag pa ng actor na isa sa mga tampok na bituin sa 2022 Metro Manila Film Festival movie entry na “Mamasapano: Now It Can Be Told” na pinagbibidhan ni Edu Manzano kasama sina Aljur Abrenica, Allan Paulo, Rey`PJ’ Abellana, Jojo Abellana, Rez Cortez at napakarami pang iba na pinamahalaan ni Lester Dimaranan under Borracho Films na pinamumunuan ni Atty. Ferdie Topacio.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the notification bell of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE