Jcyassi

Direk Nuel, naging sadista kay JC

November 16, 2021 Ian F. Fariñas 100 views

PURING-PURI ng multi-awarded scriptwriter na si Mel del Rosario, pati na ng direktor na si Nuel Naval, ang buong cast ng upcoming Vivamax Original Movie na More Than Blue.

Sa virtual mediacon para sa Pinoy adaptation ng sikat na K-drama, sinabi nina Mel at Direk Nuel (na nasa likod din ng matagumpay na Pinoy remake ng Miracle in Cell No. 7) na naging professional sina Yassi Pressman, JC Santos, Diego Loyzaga at former beauty queen-turned-actress Ariella Arida sa lock-in shooting.

Hindi raw gaya ng ibang artista na nakatrabaho na niya, sinabi ni Mel na ang grupo ng More Than Blue, handa tuwing darating sa set — memoryado ang mga linya at talagang nagbasa’t nag-aral ng script.

Si Direk Nuel, partikular na binanggit ang kahusayan ni JC bilang aktor, lalo pa nga’t nagkasama na sila sa Miracle… dati.

Kwento ng box-office director, naging sadista siya nang kunan si JC mula sa iba’t ibang anggulo sa isa sa mga highlight ng pelikula — ang church scene.

Dahil sobrang galing ng aktor, nahirapan daw tuloy siyang pumili ng pinakagusto niya sa kanyang mga kinunan.

Anyway, ang More Than Blue ay kwento ng magkababatang ampon na sina K (JC) at Cream (Yassi). May lihim mang pagmamahal si K kay Cream, pakakawalan niya ito dahil ayaw niya itong makulong sa pag-aalaga sa kanyang karamdaman.

Makikilala naman ni Cream si John Louis (Diego), isang dentista na mamahalin siya at mamahalin din iya.

Ang tinaguriang “Wasak Puso” movie ay eksklusibong mapanood sa Vivamax Philippines, USA at Canada simula sa November 19.

AUTHOR PROFILE