Rein

Direk Lino, panonoorin ang ‘Deleter’ ni Nadine

December 16, 2022 Jun Nardo 123 views

Nadine

SUSPENSE-THRILLER ang festival movie na Nanahimik ang Gabi ng Rein Entertainment kung saan isa sa producers si Direk Lino Cayeteno.

Ipinaliwanag niya sa isang lunch kasama ang ilang press, kasama ang co-producers at director ng movie, na hindi horror ang pelikula.

“Wala kaming masyadong multu-multo. Elemento. Mas suspense thriller. Parang ‘yung mga movie ni Jack Nicholson noon. Suspense thriller.

“Exciting. Mapapatalon ka sa upuan. Walang multo. Hindi supernatural,” pahayag pa ni Direk Lino.

Eh, sinasabi na ang Deleter ni Nadine Lustre ang nag-iisang horror movie ngayong festival.

“Actually, ‘yung Deleter, panonoorin ko ‘yon. We’re part of the Viva family somehow. Iba-iba ‘yung genre,” dagdag niya.

“Pero matatakot ka, kakabahan ka. Mapapatalon ka sa upuan pero hindi supernatural. Hindi siya multo,” dagdag niya.

Sabi pa ng magaling ding director na si Shugo Praico, “Cautionary tale. Para doon sa may sikreto, may masamang balak.

“Parang advocacy namin, pilahan ng tao. Panoorin sa sinehan. This is more of a thank you sa inyo dahil resilient ang movies. Maraming nawalan ng trabaho.

“Natututo kami sa inyo. We really need your help lalo na next year. Special ‘yung movie. Communal. Dapat may katabi ka.

“Ito ang unang prinodyus namin,” saad pa niya.

Handa na ba sila sa consequences ng pagiging producer?

“Consequences like hindi kumita?

“Mas importante sa akin an kumita at panoorin ng tao. Malakas ang loob ko. Ang sabi lang nila sa akin, gumawa tayo ng magandang pelikula na magbibigay katuwaan, ng aliw, kasiyahan na magbibigay ng panibagong yugto ng buhay.

“Our movie is entertaining pero higit doon, makabuluhan!” rason ni Direk Lino.

Ginastusan nila ang movie na pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Mon Confiado at Heaven Peralejo, na nagpa-sexy din sa MMFF entry.

AUTHOR PROFILE