Always

Direk Lauren, dumalo sa KimXi premiere

September 28, 2022 Ian F. Fariñas 122 views

Kim2

WALANG panama ang matinding buhos ng ulan nu’ng Martes ng gabi sa init ng tambalang Kim Chiu at Xian Lim na dinumog ng fans and supporters sa red carpet premiere ng balik-tambalan nilang Always under Viva Films sa SM City North EDSA The Block.

Dumating na parehong nakaputi ang reel/real-life couple na sinalubong ng malakas na hiyawan at walang katapusang picture taking bago tumuloy sa loob ng sinehan.

“Hindi kami nag-usap, pareho kami ng (kulay ng) damit,” banggit ni Kim nang pansinin ng press ang outfit nila.

Hindi naman daw ito preparasyon para sa wedding dahil wala siyang belong suot nu’ng gabing iyon.

Ang Always ay Pinoy adaptation ng sikat na K-movie sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao.

Sabi nga ng showbiz pair, “surreal” para sa kanila ang panunumbalik ng premiere night at matagal na silang huling nagkasama sa isang pelikula.

Tapos, nagkaroon pa ng pandemya kaya natigil ang lahat ng produksyon sa industriya.

Maliban sa avid fans and supporters, dumalo rin sa red carpet premiere ang ama-amahan ni Kim sa ABS-CBN dati na si Direk Laurenti Dyogi.

Tila sorpresa ang pagdating ng PBB mentor ni Kim dahil hindi ito nagdaan sa red carpet at nasa loob na ng sinehan ang KimXi nang siya’y pumasok.

Naroon din ang ilang mga artista para magbigay suporta sa magkapareha gaya nina Direk Jeffrey Hidalgo, Rob Deniel (na kumanta ng Always movie theme), atbp.

Anyway, bago ang premiere showing ng Always ay nag-post si Xian ng isang video compilation ng mga paborito niyang eksena nila ni Kim sa past projects nila.

Siyempre, kinilig ang netizens sa video upload na iyon ng aktor sa Instagram na sinamahan niya ng caption na: “Hey everyone! I compiled the favorite scenes I had a chance of doing with Kim in a span of ten plus years we’ve been working together (including our first kiss captured on cam). As many of you may know, our team up officially started back in 2011 and from then on out, It was hard for me to take my eyes (and heart) away from her. Sorry for the cheesy-ness but that’s the reality of the way things unfolded. We may not have plently of projects together but we had the opportunity to meet plenty of people along the way who stood by our side. The industry is a very unpredictable field and I am lucky to still be doing the things I love in front of all of you. I hope our new film, Always, will be able to touch the hearts of many as we tackle different characters this time around… far from the usual romantic comedy you all are used to seeing.”

Nagpasalamat si Xian sa Viva para sa pagkakataong muli silang magkatrabaho ng girlfriend at sa manager niyang si Veronique del Rosario-Corpuz.

Showing na ang Always sa iba’t ibang mga sinehan nationwide.

AUTHOR PROFILE