MFMS

Direk Joel at Direk Jay, nagkapatawaran

November 25, 2022 Jun Nardo 304 views

NAGKAAYOS at nagkapatawaran na ang mga director na sina Joel Lamangan at Jay Altarejos.

Kaya wala nang bad blood sa dalawa lalo na’t ala-alaga ni Direk Joel si Direk Jay noong panahong nagsisismula pa lamang sa pagdidirek ang huli.

“Wala naman akong galit. Natutuwa ako dahil may sarili na siyang opinyon at paninindigan. Tapos na ‘yun,” banggit ni Direk Joel sa presscon ng festival movie niyang My Father, Myself ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions.

Tungkol sa LGBTQ plus ang movie, isang genre na madalas nang gawin ni Direk Joel.

Agad naman niyang itinanggi na base ito sa totoo niyang buhay.

“Based sa true story ito. Makukulay ang mga kuwento sa LGBT kaya ang daming puwedeng gawin,” sambit pa ng director.

Bida sa movie sina Jake Cuenca, Sean de Guzman, Tiffany Grey at Dimples Romana.

MAEGAN STORY SA ‘MPK’

IPALALABAS na ngayong gabi sa Magpakailanman ang kuwento ng singer na si Maegan Aguilar matapos maudlot ang airing nito last week.

Pero wala naman daw mabigat na dahilan kaya hindi ito umere last week kahit na nga may netizens na umeepal.

Si Sanya Lopez ang lalabas bilang si Maegan at ama naman niya sa episode si Neil Ryan Sese bilang Freddie Aguilar.

Sa totoo lang, nag-audition si Maegan sa “Bida Next” ng Eat Bulaga subalit hindi pinalad mapabilang sa semi-finalists.

AUTHOR PROFILE