Direk Gayle ipinakilala ang Matchy Patchy
NAKILALA ang filmmaker na si Gayle Oblea matapos manalo ang kanyang Sinag Maynila short film entry na ‘As The Moth Flies’ nitong taong ito. Naging official entry rin ito sa 26th Brussels International Film Festival noong isang taon.
Hindi nga raw siya makapaniwala na siya ang nanalo sa Sinag Maynila filmfest dahil magaganda rin ang iba pang kaalahok dito.
“Nagulat kami ng mga kasama ko sa Metropolitan Theater nang tawagin ang pelikula ko as the winner,” sabi ng youthful and bubbly filmmaker.
Pero hindi bilang filmmaker namin siya nakaharap nang gabing ‘yun. Nag-imbita siya para sa isang Halloween party sa Imajin Music and Arts Studio sa Marikina para ipakilala ang unang aesthetic pimple patches sa Pilipinas, ang Matchy Patchy.
Bagama’t may mga nauna nang lumabas sa market na pimple patch, ang mga produktong ito ay invisible o transparent. Kadalasan, ginagamit ito ng mga kabataang biktima ng acne, tinatakpan nila ito ng naturang transparent pimple patch at sinasapawan ng makeup. Pero iba ang Matchy Patchy: may iba’t ibang disenyo ito, na bagay kahit saan mang okasyon, na hindi makikita ang ikinahihiyang acne, at pagkalipas ng walong oras, mawawala na ang pimple.
Ayon kay Direk Gayle (na Chief Marketing Officer ng Matchy Patchy), “If you’ve never tried pimple patches, normally the pimple patches really go for those invisible ones, di ba? That you put on and then you put your makeup on, or for boys, they put it on so that it stays invisible. Nobody would see the pimple.”
Paliwanag niya, ang Matchy Patchy ay hindi nagtatakip ng nakakahihiyang pimple kundi nagpapakita ito ng isang natatanging istilo habang inaalagaan ang mukha. “The whole point is to, you know, embrace who you are, embrace yourself,” paliwanag ni Direk Gayle. “I mean, growing up, especially for teenagers up to like, early 20s to even late or mid-30s, we still experience pimples, especially for teenagers, no?”
May anim na disenyo ang bawa’t pakete ng Matchy Patchy na naglalaman naman ng dalawampung (20) patches may nakaaaliw na design. Ang formula nito ay gawa sa South Korea na may hydrocolloid at tea tree oil. “, they’re designed to be as effective as they are stylish. “One thing that you’d like about Matchy Patchy is that it’s not just for aesthetic reasons but it’s also very effective,” sabi pa ni Direk Gayle. “In fact, if you put one pimple patch on your pimple, you just have to wait for six to eight hours, it will be gone.”
Wala pang celebrity endorser ang Matchy Patsy pero kung mabibigyan sila ng pagkakataon, gusto niya ay tipong youthful, perky and pretty tulad ni Maris Racal.
Samantala, isang feature film tampok ang ilang kilalang aktor ang inihahanda ngayon ni Direk Gayle bilang susunod na project para sa kanyang sariling kompanya, ang Creative Kartel.