Isko

Direk Darryl sa bashers: ’Di pa kayo magpasalamat, ang gwapo ng gaganap

November 19, 2022 Ian F. Fariñas 332 views

TRENDING kahapon sina Darryl Yap at dating Manila Mayor Isko Moreno matapos ianunsiyo ng controversial director na ang aktor-politiko ang gaganap bilang dating Senador Ninoy Aquino sa Martyr or Murderer (MoM) ng Viva Films at VinCentiments.

Ginawa ni Direk Darryl ang announcement sa kanyang Facebook account, kung saan in-upload niya ang all smiles na litrato ni Isko na hawak ang makapal na script ng MoM na siya mismo ang sumulat.

Aniya, “Isko Moreno as Ninoy Aquino.

“The Filipino is worth dying… INSIDE,” sabay lagay ng hashtags na #MoM2023 #MoM at #MartyrorMurderer.

Malaking sorpresa para sa netizens ang pagkakapili kay Isko dahil ang mga unang umugong na pangalan ay sina Phillip Salvador, Herbert Bautista at Jerome Ponce (bilang batang Ninoy).

Maging si Ruffa Gutierrez, na gumanap sa papel ni dating Unang Ginang Imelda Marcos sa blockbuster movie na Maid in Malacañang, napa-“Omggg!!” sa ginawang grand reveal.

Although umani ng papuri, meron ding mga bumatikos sa post ni Direk Darryl.

Kaya naman tila binuweltahan sila ng direktor sa sumunod niyang post na, “Galit na naman kayo, di pa kayo magpasalamat, ang gwapo ng gaganap. #CountYourBlessings.”

Giit ng Isko defenders, politiko man ito na tumakbo pero ’di pinalad sa pagka-Pangulo sa katatapos na eleksyon nu’ng Mayo, aktor pa rin naman ito na walang hinahawakang pwesto sa ngayon.

“Malaya siyang makagawa ng pelikula. It’s his job,” anila. “Trabaho niya iyan. Walang mali,” dagdag pa ng netizens.

Anyway, kung matutuloy ang plano, sa February 25, 2023 inaasahang ipalabas sa mga sinehan ang MoM, na mukhang simula ng showbiz comeback ni Isko.

AUTHOR PROFILE