Darryl

DIREK DARRYL, NAG-SORRY SA VIVA

February 13, 2023 Ian F. Fariñas 449 views

NAG-SORRY ang controversial na direktor na si Darryl Yap sa Viva Films dahil sa pagiging emosyonal umano niya sa isyu ng pelikulang Martyr or Murderer.

Sa kanyang recent Facebook post, nagbigay ng opisyal na pahayag ang direktor kaugnay ng pinag-uusapang #MOMnoCUTS.

Aniya, “Buong pagpapakumbaba po akong humingi ng paumanhin sa aking pamilya sa VIVA; aminado naman po akong emosyonal ako at marahil dala ng matindi kong passion para makapagbigay ng magandang pelikula ay nakapagbitaw ako ng mga salitang hindi ko dapat sabihin.

“Tunay naman; na walang producer na magnanais ipahamak ang isang pelikulang inaabangan na di pa man natatapos — mali po ang interpretasyon ko sa pag-aalaga at proteksyong gustong ibigay sa akin ng VIVA.

“Matapos ang diskusyon at pagbibigay ng kaalamang legal; ang buong 1 hour at 42 minutes ng #MARTYRorMURDERER ay mapapanood nang buo sa mga sinehan sa Pilipinas sa MARCH 1, mapapanood din nang buo ang #MoM sa mga sinehan sa buong mundo; ngunit mababawasan ng ilang eksena kapag nasa streaming platform na matapos ang 1 taon.

“Ako po ay buong tapang na nanindigan na mapanood ng ating mga kababayan ang mga eksenang dito lamang nila makikita at malalaman — inako ang responsibilidad sa kawastuhan at paninindigan ng nilalaman ng pelikula, ng buong 1 oras at 42 minuto.

“Ang mga tagpong patungkol sa narasan ng Pamilya Marcos ay nagmula sa puso at gunita na ibinahagi ni Senator Imee R. Marcos,

“At ang mga kaalaman patungkol sa ilang katotohanang ngayong lamang bibigyan ng atensyon ay hango sa mga panayam, dokumento at bidyong matagal nang naglipana ngunit walang humihimay — mga KATOTOHANANG hindi pinapansin dahil may ibang kulay.

“Magpakatao bago magpakabayani,

“Walang peligro kung tunay at totoo

“Alamin kung sino ang Martir

“at kung sino ang Mamamatay-Tao.

“ang MARTYR or MURDERER po ay ipapalabas na sa MARCH 1 sa buong kapuluan, na susundan ng pagbubukas sa halos 20 bansa sa buong mundo.

“MARAMING SALAMAT PO!” ang kabuuan ng pahayag ni Direk Darryl.

AUTHOR PROFILE