Direk Darryl agad binuweltahan si Igan: ‘Pambabastos ito’
MABILIS na bumuwelta ang direktor na si Darryl Yap sa komento ng TV host/newscaster na si Arnold Clavio tungkol sa kanyang pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”
Narito ang pagpapahayag ng saloobin ni Igan tungkol sa naturang biopic ng 80s bold actress:
“Nagpapa-kontrobersya ang nasa likod ng pelikula at ang pag-iingay na ito ay malinaw na paghingi ng simpatiya.
Bumalik ka na #Yorme 2025
“Dahil malabo itong mapayagan ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na may hayagang paninirang puri o defamation. Sino ang source of information ng eksenang napanood? O ito ba ay bahagi ng isang panaginip ng mga karakter?
“Huwag nating kalimutan na ang Chairman at CEO ngayon ng MTRCB ay walang iba kundi si Lala Sotto-Antonio, anak ni Titosen (Tito Sotto) at pamangkin ni Vic (Sotto).
“Tandaan, sa mundong ginagalawan natin hindi dapat mawala ang respeto sa kapwa at pagiging disente. May mga norms at ethics na dapat sundan,” ang bahagi ng pahayag ni Igan.
Trailer pa lang ang naipapalabas ng naturang pelikula pero mainit na itong pinag-uusapan sa social media.
At narito ang sagot ni Direk Darryl sa kanyang Facebook page kasama ang isang artikulo mula sa Bandera Inquirer na may titulong “Igan sa Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap: Malabong payagan ng MTRCB.”
“Hello sa’yo. Musta ka na? Maraming Salamat sa pagbabahagi ng opinyon mo patungkol sa aking pelikulang #TROPP #TROPP2025 The Rapists of #PEPSIPALOMA.
“Ibig sabihin, naglaan ka ng oras at kaisipan para ihayag sa publiko ang kung anumang sa palagay mo ay tama.
“Ngayon, opinyon ko naman tungkol sa sinabi mo: SINO KA, PARA PANGUNAHAN ANG PAMUNUAN NG MTRCB NA HARANGIN ANG PELIKULANG HINDI PA NARARATING ANG KANILANG TANGGAPAN.
“Hindi lang pambabastos sa pinaghirapan namin—kundi maging kay MTRCB Chair Lala Sotto ang pinagsasasabi mo—SINO KA, PARA MAGDESISYON PARA SA KANYA.
“Pinagmumukha mo siyang may gustong pagtakpan at natatakot— Hindi ganon si Chair Lala, pinakita na niya ang kanyang pagiging patas sa maraming sitwasyon.
“Wala ring saysay kung pagbabatayan ang pamagat—kung pipila ka sa Takilya, Hindi mo naman kailangang banggitin ang THE RAPISTS OF, sigurado akong halos lahat PEPSI PALOMA lang ang sasabihin— kaya maaaring yun lang ang ilagay sa posters sa mga Piling sinehan.
“Noong nanood ka ba ng NARNIA, ay ‘TICKETS PO…DALAWA…PARA SA THE CHRONICLES OF NARNIA THE LION THE WITCH AND THE WARDROBE.’
“Alam mo Igan, malinaw naman na di natin feel ang isa’t-isa, pero wag ka naman manabotahe…Hindi ko naman gagawin yung ‘ANG PAGLABAG KAY BALABAGAN,’ ang pahayag ni Direk Darryl na ang tinutukoy ay ang naging isyu noon sa news anchor at sa OFW na si Sarah Balabagan.
Patuloy pa ni Direk, “Wag mo kong malecture-lecturan sa moralidad at tama o mali ha—yung ibinibintang sa akin— puro imbento. puro bunganga.”
“HAPPY NEW YEAR SA INYO NI ARN ARN.”