Dionne Warwick babalik sa Pilipinas
AMERICAN Grammy award-winning singer, hitmaker, actress and music icon Dionne Warwick is coming to Manila for a one-night concert at the New Frontier Theater on January 24, 2025. She will be celebrating her 84th birthday this coming December 12.
It was fourteen years ago when she had her very first concert in Manila in November 27, 2010 and was surprised with the warm reception of the Filipino audience.
It seems na kayang-kaya pa rin ni Dionne ang mag-concert despite her age. Sigurado namang dadagsain ang New Frontier Theater to see her perform her classic hits tulad ng “Walk On By,” “Do You Kow The Way to San Jose,” “Alfie,” “This Girl is In Love with You,” “Déjà Vu,” “Will You (Still) Love Me Tomorrow,” “Promises, Promises,” “You’ve Lost That Loving Feeling,” “Make It Easy on Yourself,” “That’s What Friends Are For,” “I”ll Never Love This Way Again,” “Anyone Who Had A Heart,” “Don’t Make Me Over,” “This Empty Place,” “Make the Music Play,” “You’re My World,” “I Say A Little Prayer” and more.
Tulad ng kanyang mga awitin, makulay din ang buhay ni Dionne who only married once and has two sons na sina David at Damon Elliot. She married actor-drummer William Elliot in 1966 but got divorced the follow year. That same year, they reconciled ang remarried in Italy but eventually got separated again on May 30, 1975 and granted a divorce in December of same year in Los Angeles, California.
Taong 2002 nang maaresto si Dionne sa Miami International Airport for possession of marijuana. The authorities discovered that she had 11 suspected marijuana cigarettes sa kanyang carry-on luggage na nakatago sa kanyang make-up pouch. Seven years later in 2009, sinampahan naman siya ng kaso ng IRS (International Revenue Service) for tax evasion dahil sa hindi niya pagbabayad ng tax na nagkakahalaga ng $12.2M ng ilang taon.
In March 21, 2013, nag-declare naman ang singer ng bankcruptcy dahil sa mismanagement ng kanyang business affairs. Kasama sa kanyang mga liabilities ay $7-M na utang sa IRS mula 1991-1999 and another $13M na pagkakautang niya for business taxes na utang niya sa State of California. Since hindi siya magkakuha ng compromise sa kanyang mga payables, wala siyang ibang option kundi ang mag-file ng bankruptcy.
Sa buong music career ni Dionne ay nakagawa siya ng top-selling 40 studio albums and about 86 hit singles.
Parehong may leaning sa music ang dalawa niyang anak na sina David at Damon. Ang panganay na si David ay dating police officer ng Los Angeles, California bago nito tinutukan ang kanyang pagiging songwriter and drummer habang ang bunsong si Damon ay isang record producer.
Taong 2022 when Dionne had her concert tour billed as “She’s Back: One Last Time” pero ngayong 2025 ay nakatakda itong bumalik ng Pilipinas for her final concert. (May apo si Dionne, si Cheyenne Elliot na mahusay ring kumanta. Hoping na isama niya ito sa Pilipinas.–Ed.)
Ang totoong papel ni Dominic sa buhay ni Kathryn
MASUWERTE ang majority of the cast ng 2019 “Hello, Love, Goodbye” movie na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards tulad nina Joross Gamboa, Jeffrey Tam, Kakai Bautista, Maymay Entrata, Lovely Abella, Jameson Blake at iba pa dahil kasama silang muli sa 2024 mega blockbuster movie sequel na “Hello, Love, Again” na kinunan naman this time sa Canada. Iisa ang director ng dalawang record-breaking movies, si Direk Cathy Garcia-Sampana.
Since sa Canada na naka-base ang actor-comedian na si Jobert Austria ay napasama siya sa HLA gayundin ang L.A.-based actress-comedienne at host na si Ruby Rodriguez.
Ang pakiramdam ng mga nagsiganap na supporting cast ay naging bahagi sila ng makasaysayang pelikula na hanggang ngayon ay patuloy na gumagawa ng kakaibang record sa box office hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa na pinagpapalabasan ng pelikula.
Samantala, tiyak na may alam si Direk Cathy Garcia maging si Joross sa tunay na estado ng relasyon o pagkakaibigan ngayon nina Kathryn at Alden.
Samantala, tuwang-tuwa naman ang isa sa mga close friends ni Kathryn (maging ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla) na si Dominic Roque para sa kanyang `bro’ (Kathryn) dahil sa tagumpay at ganda ng pelikula.
May mga pagkakataong pilit na nili-link sina Kathryn at Dominic pero wala itong katotohanan dahil magkaibigan lang talaga sila at parang magkapatid ang dalawa. Ang ex-fiance ni Bea Alonzo ay nali-link ngayon kay Sue Ramirez na ex-naman ng actor-turned Victorias City mayor na si Javi Benitez.
Isa si Dominic sa mga close friends ni Kathryn ang nagpakita ng suporta sa Kapamilya star.
Liza hindi na kasama sa future ni Enrique
ALTHOUGH walang tahasang pag-amin na wala na sila ni Liza Soberano, tahimik lamang ang actor-dancer na si Enrique Gil hinggil dito at sa halip ay gusto niyang pag-usapan ang kanyang mga future plans. Having his own family ay isa sa kanyang mga plano at papasukin na rin niya ang pagpu-produce.
Enrique is co-producing his new TV series which will be aired next year pero wala pa itong sini-share kung sino ang kanyang magiging leading lady at ibang members ng cast. Isa umano itong rom-com na may halong action and some scenes will be shot in Europe.
Papasukin na rin ng actor-dancer ang pagpu-produce for him to learn the trade at ngayon pa lamang ay excited na siya sa proyektong ito.
It was in 2014 nang umalagwa ang tambalan nila ni Liza nang gawin nila ang TV series na “Forevermore” na sinundan ng “Dolce Amore” in 2016, “Bagani” in 2018 at ang “Make It With You” na naputol ang pagpapalabas dahil sa Covid19 pandemic at pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN nung May 5, 2020.
At 32 (turning 33 on March 30 next year), naka-set na ang goal ng actor sa gusto niyang mangyari sa kanyang sarili at sa kanyang future and it seems na hindi na kasama si Liza rito.
Luis handang-handa na sa pulitika
NANINIWALA ang actress-politician na si Vilma Santos-Recto (71) na hinog na ang kanyang dalawang anak na sina Luis Manzano (43) at (Ryan Christian Recto (28) para pasukin ang public service, ang rason kung bakit kakandidato ang mga ito.
Ang buong akala ng marami ay magpapahinga na si Vi sa kanyang pagiging isang public servant matapos ang kanyang 24 na taong serbisyo. Mula nung pasukin nito ang larangan ng pulitika nung 1998 nang siya’y tumakbo sa pagka-mayor ng Lipa City, tumigil lamang siya nung 2022 at binalikan ang paggawa ng pelikula. Nakagawa siya ng isang Metro Manila Film Festval movie nung isang taon, ang “When I Met You In Tokyo” na siya rin nilang balik-tambalan ng kanyang perennial screen partner na si Christopher de Leon. At meron na naman siyang entry for the 50th year ng MMFF, isang horror movie na “Uninvited” kung saan niya mga kabituin sina Aga Muhlach at Nadine Lustre.
Pero dahil muli siyang papalaot sa larangan ng pulitika, mukhang maisasantabi na naman ang kanyang showbiz career.
Vi is again running for governor ng Batangas, isang posisyon na kanyang hinawakan sa loob ng siyam na taon. Ang kanyang panganay na si Luis ang tatakbo naman sa pagka-vice governor. Ang kanyang bunsong anak na si Ryan ay kandidato naman sa pagka-kongresista ng ika-6 na distrito ng Batangas.
In time ay magre-retiro si Vi sa pulitika gayundin ang kanyang mister, ang Finance Secretary ngayon, ang dating senador at kongresista na si Ralph Recto.
In fairness kay Luis, matagal-tagal na rin itong inaalok na kumandidato, pero hindi pa umano siya handa noon.
Kung tutuusin, hindi kailangan ni Luis ang pulitika to serve the people dahil maganda ang takbo ng kanyang karera bilang nangungunang TV host ng ABS-CBN, pero sadyang hindi nya mahapahindian ang tawag ng public service ngayon.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@astera_amoyo.