Dingdong

Dingdong, saludo kina Ricky at Jackie Lou

January 5, 2022 People's Tonight 245 views

SALUDUNG-SALUDO si Dingdong Dantes sa mag-asawang Ricky Davao at Jackie Lou Blanco na kasama niya ngayon sa Kapuso series na I Can See You: AlterNate.

Isang litrato ang pinost ni Dong sa kanyang Instagram at doon ay inihayag niyang nakatrabaho na niya dati ang mag-asawa pero ngayon lang niya nakasama pareho sa series.

Bahagi ng caption ni Dong sa IG, “I am lucky and honored to witness the magic that these two can create on set. Kitang-kita how passionate they are with their craft and how committed they are to their roles while capitalizing on their friendship that they both share now. Napakasaya nila kasama. And I really look up to them!”

MGA ANAK NI DOLPHY, BIBIDA SA GAG SHOW

AARANGKADA na ngayong Linggo, Enero 9, 8 p.m., ang bagong gag show ng Net 25 na Quizon CT.

Mga bida rito ang anak ng Comedy King na si Dolphy na sina Eric Quizon, Epi Quizon at Vandolph Quizon.

Kasama rin sa gag show si Jenny Quizon na asawa ni Vandolph.

Ang Quizon CT ay Quizon Comedy Theater mula sa direksiyon nina Eric at Epi at kabilang din sa cast sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Gary Lim, Tanya, Charuth at Billie Hakenson.

Sa totoo lang, sa pagiging aktibo ngayon ng Net 25 sa paggawa ng local shows, marami silang nabibigyan ng trabaho, huh!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE