Dingdong

Dingdong, na-challenge sa dual role sa ‘AlterNate’

January 3, 2022 Ian F. Fariñas 376 views

MATAPOS sumabak sa maaksyong pagganap sa A Hard Day, ang Viva Films entry na Pinoy adaptation ng hit Korean movie at tinanghal na 3rd best picture sa katatapos na Metro Manila Film Festival (MMFF), muling mapapanood si Dingdong Dantes sa mapanghamong papel ng kambal na sina Nate at Michael sa bagong edisyon ng I Can See You: AlterNate ng Kapuso network.

Kakaibang Dingdong na naman ang mapapanood ng fans sa mini-series na idinirek ni Dominic Zapata dahil first time niya itong gagawin.

Malalim ang hugot ng mga karakter na gagampanan niya sa istorya.

Sa online mediacon ng AlterNate kahapon, inamin ng aktor na na-challenge siya nang husto sa dual role at sa ginawa nilang lock-in taping sa loob ng 30 days.

Bukod sa first time niyang gumanap sa papel ng kambal, first time rin ni Dingdong na mahiwalay nang ganu’n katagal sa kanyang mag-iina ngayong panahon ng pandemya.

Pero bawi niya, nag-pay-off naman ang lahat ng hirap nila sa sobrang ganda ng finished material.

Beauty“Equally difficult and exciting to portray” ang description ng Kapuso Primetime King sa dalawang karakter na parehong maiinlab sa bagong Kapuso na si Beauty Gonzalez.

Tinupad nga ng GMA bosses ang wish ni Beauty na makapareha sa isang proyekto si Dingdong.

Puring-puri ng aktres ang mister ni Marian Rivera. Intuitive actor daw ito at masuwerte siya dahil hindi lang isa kundi “dalawang” Dingdong pa ang nakatrabaho niya sa kauna-unahan nilang pagsasama.

Para naman kay Dingdong, literal na “beautiful experience” ang makasama ang isang professional actress gaya ni Beauty dahil aniya, isa itong brilliant artist na may respeto sa kanyang artistry at matindi ang commitment sa craft at professionalism.

“Sa Zoom pa lang, in character na siya (Beauty). She’s very much invested sa character niya and nagugulat ako sa mga ibinibigay niyang nuisances,” dagdag pa ni Dong patungkol sa kapareha.

Isang buwan tatakbo ang ICSY: AlterNate sa GMA Telebabad tuwing Lunes at makakasama nina Dingdong at Beauty sa cast sina Ricky Davao, Jackielou Blanco, atbp.

AUTHOR PROFILE