Yandong Larawan: It’s Showtime/FB

Dingdong, Marian tatambay sa It’s Showtime; Karylle, binarda ng netizens

December 16, 2023 People's Tonight 385 views

Bibisita ang showbiz couple at Kapuso Primetime Queen at King Marian Rivera at Dingdong Dantes sa noontime show na “It’s Showtime.”

Ito ay inanunsyo nila sa kanilang Facebook post. “Madlang People! Abangan ang pagbisita sa atin ng pinakamagandang regalo ng Star Cinema ngayong Pasko — Kapuso stars Dingdong Dantes and Marian Rivera! First time sa It’s Showtime!”

Sa naturang post din, inintriga naman ng netizens si Karylle, na ex girlfriend ni Dingdong.

Anang ilang netizens, baka “ma-hot seat” si K sa pagbisita ng couple.

Samantala, pinuri naman ng netizens ang “professionalism” ni K.

Narito ang ilang komento ng netizens:

“Sana ito na yung chance para mag karoon ng pag kakaayos si Marian at Karylle.”

“Alam naman natin na sobrang bait ni Karylle at napakaprofessional pa. Tingin ko sa kanya, hindi marunong magalit. Sana present sya bukas. Kaabang abang talaga.”

AUTHOR PROFILE