Dong

Dingdong excited na muling makatrabaho si Tirso Cruz III

April 29, 2023 Eugene E. Asis 325 views

MAY mini-reunion sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at multi-awarded actor Tirso Cruz III sa GMA upcoming series na “Royal Blood.”

Unang nagkatrabaho ang dalawang aktor sa seryeng “Sana ay Ikaw Na Nga” noong 2002. Nagkasama rin sila sa hit series na “Endless Love” noong 2010.

Ngayon, mapapanood naman sina Dingdong at Tirso bilang mag-ama sa bagong murder mystery drama ng Kapuso Network. Ayon kay Dingdong, “Nung malaman ko na makakasama ko siya sa Royal Blood, sobrang saya!”

“Very fatherly sa set, very warm, ang dami mong matututunan, and at the same very funny. Iyon ‘yung pinakamahalaga kasi talagang hindi pwedeng palaging serious dahil mahirap ‘yung trabahong ginagawa. Kahit papaano we have time to laugh and take things lightly and that’s what he provides,” dagdag pa ni Dingdong.

Mapapanood ang “Royal Blood” soon sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE