Dingdong, cheerleader, water boy at photographer ni Marian sa Israel

December 15, 2021 People's Tonight 279 views

BEST husband para kay Marian Rivera si Dingdong Dantes.

Imagine, GMA Primetime King pero sa Israel, cheerleader at water boy niya sa Miss Universe pageant nang maging bahagi siya ng Selection Committee, huh!

Nagsilbi ring photographer ni Yan si Dong throughout her once-in-a-lifetime experience. Dinig namin nakabalik na sa bansa sina Marian at Dong.

May patikim silang pagsasama sa primetime bilang hosts ng TV special ng GMA Year-End Special.

Huling UlanRITA, ‘TRINABAHO’ SI KEN

NAKITA na raw ni Ken Chan ang “Pagsanjan Falls” ni Rita Daniella.

May kinalaman yata ‘yon sa pribadong bahagi ng katawan ni Rita kaugnay ng music video nilang ginawa para sa theme song ng MMFF movie nilang Huling Ulan sa Tag-araw ng Heaven’s Best Entertainment.

Sa chika ni Ken sa presscon nila ni Rita after ng special screening ng movie, wala raw pakialam si Rita na may hinubad dahil mabilisan ang shoot nila.

Naku, si Rita, eh, walang pakialam ‘yan basta kailangan sa trabaho.

Sa love scene nga nila sa movie, si Rita talaga ang “trumabaho” kay Ken, huh! Isang seminarista sa movie si Ken na wala pang karanasan sa babae.

Of course, sa simula, pakikiligin kayo nina Rita at Ken. Tapos tatawa kayo lalo na kay Rita.

Towards the end, mararamdaman na lang ninyong tumutulo ang inyong mga luha.

Congrats, RitKen, Direk Louie Ignacio at sa Heaven’s Best ni Harlene Bautista na walang takot sumugal sa paggawa ng movie sa kasagsagan ng COVID-19 last year. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE