Dina

Dina pinagselosan ng mga anak ni Mother Lily

August 10, 2024 Vinia Vivar 70 views

Tulad ng ibang Regal Babies, hindi rin makapaniwala si Dina Bonnevie na pumanaw na si Mother Lily Monteverde.

Isa si Dina sa original Regal Babies ni Mother Lily at napakarami rin niyang magagandang alaala sa Regal matriarch.

“Parang hindi pa nagsi-sink in sa akin kasi Mother was really like a mother to me,” ani Dina sa panayam ng media sa kanya nang dumalo siya sa wake ni Mother Lily.

“Because when I started, I know how many times she would spank me kasi palpak ‘yung Tagalog ko. She would call me, ‘itong malanding Bicolanang ito,’ ‘yan ang favorite dialogue niya sa akin,” pag-alala ng seasoned actress sa yumaong film icon.

Napakarami raw nilang pinagsamahan ni Mother Lily at sobrang close sila to the point na kasama pa siya sa banyo kapag naliligo ito.

“We would eat lugaw together, be in her kitchen together. She would be taking a bath and I’m inside her banyo waiting for her, while she’s taking a bath. That close,” kwento niya.

May time pa raw na habang nag-aaway sina Mother Lily at asawa nitong si Father Remy ay nasa gitna siya ng mag-asawa.

“Tapos minsan ‘pag nagseselos siya kay Father, ako ‘yung panangga niya. ‘Ayan, o, si Father.’ ‘Mother, nag-i-imagine ka, walang ginagawa si Father.’ Tapos ‘pag nag-aaway na sila, andu’n ako sa gitna. Sabi ko, ‘why am I here?’” natatawang tsika ng aktres.

Dumating pa raw sa puntong pati ang mga anak ni Mother ay nagseselos na sa kanya dahil lagi nga siyang nasa kwarto nito.

“There was even a time na si Meme and Roselle, parang nagseselos sila kasi lagi akong nasa room ni Mother. And I would tell her, ‘Why am I always in your room? I wanna go out,’” pagre-recall pa ni Miss D.

“Ako ‘yung pinakarebelde, actually, pero mahal na mahal niya ako kasi I tell her what’s in my head,” dagdag pa niya.

Hanggang sa naging close na rin siya kina Meme at Roselle na parang kapatid na rin siya ng mga ito.

“I’m just happy na nakita ko si Meme and Roselle (sa burol) kasi it’s like seeing siblings that I missed for so long ago,” sey niya.

AUTHOR PROFILE